Dingdong, nahirapan sa comedy

Dingdong.

Simula nang nag-pandemic ay hindi pa talaga tumatanggap ng full-length acting project si Marian Rivera sa telebisyon at kasalukuyan lang siyang napapanood sa Tadhana kung saan ay siya ang host.

Pero ngayon ay sumabak na ulit ang Primetime Kapuso Queen sa pag-arte at kasama pa ang kanyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Sila ang bibida sa sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa na mapapanood sa GMA 7 mula sa direksyon ni John Lapus.

Bukod sa comeback on-screen reunion ito ng DongYan, co-producer pa sila sa nasabing sitcom with GMA 7 and APT Entertainment.

Ayon kay Marian, hangga’t maaari raw talaga ay ayaw niya munang tumanggap ng acting project dahil nga sa mga lock-in tapings at ayaw niyang maiwan ang kanilang dalawang anak.

“Ang daming show na sorry, pero hindi ko magawa, kasi dahil naka-lock-in, maiiwan ko ‘yung mga anak ko, kailangan ako sa bahay,” sey ni Marian sa presscon ng Jose & Maria’s Bonggang Villa presscon na ginanap last Thursday.

Kung bakit daw siya napapayag na gawin ang sitcom, paliwanag ni Marian, “una sa lahat, sinigurado naming mag-asawa na tuwing may taping kami, nandu’n ‘yung mga magulang namin para alagaan ‘yung mga anak namin.

“So, pangalawa, excited kasi akong makatrabaho uli siya (Dong). Kasi ‘pag nag-uusap kaming dalawa na parang ang tagal na naming hindi nagkakatrabaho, na 10 years nga, so parang looking forward ako na… iba kasi ‘pag nasa bahay, tatlo silang inaasikaso ko. Sa taping, isa lang siyang inaasikaso ko. O ‘di ba, magkaiba ‘yun?”

Kaya naman naging bonding time na rin daw nilang mag-asawa kapag nasa taping sila ng Jose & Maria’s Bonggang Villa.

“Na wala kaming ibang iniisip, nagkukulitan kami, naglalambingan kami. Parang lahat, napag-uusapan namin nang buong araw habang nasa taping kami. So, sobrang happy ako na nagawa ko ‘to.

“Sabi ko nga sa kanya, nu’ng papunta kami sa presscon, sabi ko ‘ang bait ni Lord, no? Hiniling natin na magkasama tayo, ibinigay Niya sa atin, tapos sitcom pa. Na gustong-gusto ko siyang makita ng taong mag-comedy. Makikita n’yo na,” sey ni Marian.

Ngayon nga lang naman mapapanood si Dong na nagpapatawa unlike Marian na sanay na sanay na sa pagko-comedy since may mga nagawa na rin siyang ganitong proyekto.

“Magaling kaya siyang magpatawa,” pagmamalaki ni Marian sa asawa. “Basta ako, natatawa ako, bahala na kayo,” natatawa pa niyang sey.

Natatawa naman si Dong at aminadong nahirapan siya talaga sa comedy scenes noong una. Buti na nga lang daw at may acting coach siya na walang iba kundi ang kanyang misis.

Magsisimula na ang Jose & Maria’s Bonggang Villa starting May 14 on GMA 7 kaya mahuhusgahan na natin si Dong kung may talent ba siya sa pagpapatawa.

 

Show comments