‘Wala sanang bastusan’
Trabaho lang ang mag-endorse ng kandidato kaya okey lang kung sino man ang kumuha at nagbayad sa iyo, pero choice mo pa rin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin.
Ok na magkalaban, siyempre kanya-kanyang labas ng gimik at salita, pero dapat naman siguro maging polite ka pa rin sa mga gagawin mo.
Komedyante si AiAi delas Alas, kung gusto niyang gawing katatawanan ang sarili niya, why not, pero sana iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa-tawa.
Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, ‘gutter comedy,’ iyan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte.
Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, ok lang, no big deal.
Pero sana walang bastusan, sana igalang niya pa rin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy.
Sana ay alam ni AiAi kung saan dapat huwag lalagpas ng respetuhan.
Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi.
Beautederm, tuloy na sa pagkuha ng K endorsers
Tuluy-tuloy ang biyahe ni Rhea Tan ng Beautederm sa Korea.
Kasi nga talagang gusto na niyang kumuha ng mga Korean ambassador para sa Beautederm.
Naku ha, dapat ma-convince ko siya na si Jo In-Sung at Nam Joo-hyuk, Kim Woo-bin at Lee Joon-gi ang mga kunin para makita ko ng personal.
Sana matuloy na para matapos na ang paghihintay ko na makita mga favorite Oppa ko.
Decided na si Rhea na idagdag ang Koreans sa mga ambassador niya ng beauty products, at sa puntong iyan, talaga naman number 1 ang mga Koreans ngayon.
- Latest