Alden, tumanggi sa offer ng pulitiko!
Ngayon sasabihin naming believe kami kay Alden Richards. Nagkakampanya si Alden para sa tamang pagboto at malinis na eleksiyon.
Nakakalat ang video niya sa social media at minsan lumalabas din sa telebisyon.
Siguradong may pulitikong nag-alok kay Alden para sila ay iendorso, at kung titingnan mo ang status ni Alden bilang isang actor, at kung iko-consider na siya ang leading man sa sinasabing highest grossing film of all time, siguradong malaking TF ang naging offer dyan.
May narinig na kaming isang artista na binayaran daw ng isang milyon para mag-endorse sa isang rally lamang. Pero siyempre hindi nila aaminin iyon. Isipin ninyo kung magkano ang tax ng isang milyon.
Iyon namang kandidatong nagbayad tiyak na babanatan ng over spending sa kanyang kampanya.
Hindi biro ang over spending. Kung natatandaan ninyo nawala sa puwesto si ER Ejercito at na-disqualify dahil sa over spending diumano noon.
At sa ginawa ni Alden, masasabi mong ang kanyang interest ay para sa bayan. Hindi siya nagkakampanya para sa isang pulitiko.
Actually dalawa ang binabantayan namin kung mag-eendorso. Si Alden sigurado nang hindi. Iyong isa hindi pa kami sigurado, dahil baka last minute lumabas din dahil sinasabing tagilid naman talaga ang kanyang kandidato.
Pero mas hanga kami talaga sa mga artistang hindi humahalo sa pulitika. Sa ngayon mahirap ninyo kaming kumbinsihin na ang kampanya nila ay libre.
Mayroon pa ngang talent manager na naging “organizer” ng rally na maliwanag na nagre-recruit ng mga sasama sa rally, may libreng pagkain, t shirt, at limandaang piso.
May isang dating indie actor na organizer din ng rally, na umamin pa sa amin na habang lumalapit ang eleksiyon, pataas na raw nang pataas ang budget, dahil “may nagpapataas ng budget para masigurong marami ang makukuha nila”.
BB, lalaki pa rin sa Pilipinas
Napakalaking pagbabago nga ang naganap kay Rustom Padilla simula nang umamin siyang gay at nanirahan sa US. Hindi lamang siya nagpalit ng pangalan at tinawag ang sarili niyang BB Gandanghari, kinilala pa siya sa pamamagitan ng court order sa US bilang isang babae. Bale wala na ang kanyang birth certificate na nagsasabing ipinanganak siyang lalaki, pero sa US lang iyan.
Dito sa Pilipinas dahil wala pang ganoong batas ay lalaki pa rin siya.
Pero siguro naman hindi na siya uuwi sa Pilipinas. Wala na namang dahilan para umuwi siya rito.
Ngayong ganap nang babae si BB, ano kaya ang masasabi ng mga barako sa kanilang pamilya?
Love team, malaki ang kinita
Milyon pala ang ibinayad sa isang love team para sa kanilang pagkakapanya para sa isang kandidato. Pero kagaya rin noong nakaraang eleksiyon, kahit na mas sikat si girl, kaunti lang ang share niya at ang malaking bahagi ay napunta sa boy, kasi ang katuwiran kung magiging mag-asawa na sila, iyon namang boy ang gagastos ng lahat. Isa pa, iyon naman kasing girl ang patay na patay sa boy.
Hindi mo naman sila masisi. Sinasamantala lang siguro nila ang pagkakataon habang ang paniwala ng marami ay sikat pa sila.
Ganyan lang naman talaga ang buhay ng artista. Tingnan ninyo iyong iba, laos na hindi pa maamin.
- Latest