^

Pang Movies

Mayor Joy, walang negative reaction sa OA na pang-ookray ni AiAi!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mayor Joy, walang negative reaction sa OA na pang-ookray ni AiAi!

May mga natawa pero mas marami ang nasaktan sa ginawang campaign ad ni AiAi delas Alas sa isang kumakandidatong mayor.

Nasaktan sila dahil ginamit pa sa nasabing campaign ad ang logo ng Quezon City na isang malinaw na pambabastos kay Mayor Joy Belmonte.

May eksena pang animo’y binasag ni AiAi ang table name plate ni Mayor Joy.

Wala raw negative reaction si Mayor Joy tungkol dito, na isa palang fan ni AiAi, chill lang, at natawa pa raw sa ginawa ng komedyana, pero hindi pa rin magandang makita ang isang babaeng katulad ni AiAi na masasabing nagpagamit sa maruming pulitika.

Gumaganap na Hon. Ligaya Delmonte si AiAi sa campaign ad video na tinagalog na pangalan ni Mayor Joy na patuloy na nangunguna sa mga survey.

Unang dialogue ni AiAi “May mahalaga po akong announcement kaya pakinggan n’yo ko. Kung ayaw n’yo, lumayas kayo sa Kyusi, wala akong pake!”

Meron pa siyang sinasabi na “Asawa po ako ni Babalu.”

Ikinonek nila ang nasabing campaign ad sa endorsement ni AiAi kay BBM (Bongbong Marcos) na laging sinasabi na ayaw ng siraan sa kampanya.Sa huli, nag-dialogue si AiAi sa video niya, “Mayora Ligaya Delmonte, now signing off!”

“‘Di pa rin maganda na pinaglaruan at ginawang katawa-tawa ni AiAi ang isang kapwa niya babae na isang respetadong public servant.

“Para lang sa maruming pulitika nagawa niya ‘yon, pakiramdam ko siya ang masisira dyan,” opi­nion naman ng isang taga-QC.

Totoo, puwede mo namang ikampanya ang gusto mong kandidato na hindi kailangang mambastos ng kalaban nito.

Sandara, mas sanay pang mag-tagalog kesa sa mga maarteng pinoy

At least pinatunayan ni Dara (Sandara Park) na kahit Korean siya at matagal nang umalis ng bansa, hindi niya nalilimutang magsalita ng Tagalog.

Hindi siya nagpi-feeling citizen of the world tulad ng mga ibang Pinoy na naglagi lang sa abroad, grabe na ang accent at parang ‘di na marunong mag-Tagalog.

Nag-trending nga ang pagsasalita ng Tagalog ni Dara habang nasa isang restaurant sa Dubai.

Makikita sa kumalat na video na nag-oorder siya sa waitress na Pinay. “Isang shrimp and chicken siomai and then ano pa ‘yung masarap na ibang nasa menu? ‘Yung mga chicken, beef,” sabi niya sa waitress.

Actually sabi ni Dara, nakalimutan niyang nasa Dubai siya that time dahil sa rami ng mga Filipino doon.

“I’m in Dubai right now but since there are so many Pinoy here, I keep on speaking Tagalog so naturally. So comfortable.

“Nago-order ako ng food in Tagalog and then I realized nasa Dubai pala ako, cute! Thank you sa love n’yo sa’kin,” ayon sa nasabing video ni Dara na nag-trending.

At least hindi siya katulad ng ibang Pinoy na tumira lang sa ibang bansa, ang lala na ng accent.

Parang nakalimutan na ang pinanggalingan dito sa Pilipinas.

Anyway, naalala ko na nangongolekta ng pusa si Sandara sa Korea.

Parang si Heart Evangelista or si Jona siya na ‘pag may nakikitang nagkalat na mga pusa sa kalsada, pinupulot at inaampon niya.

Sa Gangnam area raw siya madalas makakuha ng nagkalat na pusa ayon kay Dara nang huling maka-chika namin siya sa Korea kasama sina Ms. Aileen Go, Nay Lolit Solis, Rose Garcia and Maria Eleina. Binibihisan at inaalagaan daw niya talaga ang mga ‘yun.

Nakatira sa isang condo sa Gangnam na mas kilala na ngayong Dara ang K-pop star na nag-trending din sa reunion nila sa 2NE1 sa Coachella sa California.

Pinatutunayan talaga ni Sandara na humble and down to earth pa rin ang original Krung-Krung ng Philippine showbiz.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with