Mukhang unti-unti na ring nakaka-move on si Kylie Versoza sa break-up nila ni Jake Cuenca. She really had to in the first place dahil alangan namang magmukmok siya forever.
Although sa recent interview ay inamin niyang masakit pa rin ang nangyari but she’s trying to find ways to cope up.
Sa Instagram Story ni Kylie ay inirepost niya ang isang art card mula sa @mentalhealthmattersph na naglalaman ng napakagandang quotes about breaking-up na tila sumasalamin din sa kanyang nararamdaman.
Nakasaad dito na hindi natin kontrolado kung gaano katagal tayo mamahalin ng isang tao pero ang tanging magagawa lang natin ay matuto mula rito at tanggapin ang katotohanan.
“The truth is, we won’t always end up with those we feel something deep and meaningful with. Some chapters of our lives are full and dizzying in the best way with concrete endings and concrete closure.
“But some chapters end quickly, sometimes in the middle of the page, sometimes before we are even ready. We cannot control what comes to fruition in our lives.
“We cannot control how long someone chooses to love us; we cannot control how long someone chooses to stay.
“At the end of the day, all we can do is learn from the endings, all we can do is embrace the fact that for a moment in time, we felt something beautiful.
“For a moment in time, we felt something rare,” ang nakasaad sa art card na ipinost ni Kylie.
Vax to normal ng Calista,tinao sa Araneta
Isang malaking tagumpay ang Vax to Normal debut concert ng newest Pinoy pop (P-pop) all-female group na Calista held last April 26 at the Araneta Coliseum.
Sulit ang lahat ng pagod at hirap ng grupo sa training at paghahanda dahil mahigit kalahati ng Big Dome ang napuno (sa tantiya namin ay mga 60-70%) na more than enough na considering na nasa pandemic tayo ngayon at may restrictions pa rin naman.
Halatang sobrang pinaghandaan at ginastusan talaga ang concert magmula sa stage design, sa mga production numbers hanggang sa mga bigating guests tulad nina Yeng Constantino, Andrea Brillantes, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Ken San Jose, at Darren Espanto.
Masayang-masaya ang grupo na binubuo nina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle, at Dain after the successful concert.
“Sobrang grateful na nagkaroon kami ng opportunity na mag-perform with such big stars. ‘Yung feeling performing with them parang blessed ganoon, feeling blessed kasi siyempre iba ‘yung ganoon kapag nagpe-perform ka onstage and kasama mo pa ‘yung big stars,” sey ng group leader na si Anne.
Hindi naman ikaila nina Laiza, Elle, at Olive na nakaramdam sila ng pressure at kaba lalo pa nga’t mga sikat na artists ang nakasama nila plus the fact na sa Big Dome pa ang concert.