May usapan ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na kapag may mga daring scene sila sa kani-kanyang project na ginagawa, hindi na lang nila pinapanood. Sa ganitong paraan, wala silang pagseselosan.
Kaya, hindi napanood ni Zoren ang bed scene ni Carmina sa Widows Web kasama si Michael Agassi pati ang eksenang binuhat ni Michael si Carmina. At hindi rin panonoorin ni Carmina ang daring scenes nina Zoren at Lianne Valentin sa Afternoon Primetime ng GMA-7 na magsisimula na sa Monday, May 2, 2:30pm, ang Apoy sa Langit. “This is my most daring role, and this is one of those role that doesn’t come everyday. Gusto ko rin ang role ni Cesar dito, so bakit hindi natin tanggapin? Maiinit ang mga eksena, tinanong ko nga si Lianne kung alam ba ng parents niya ang ginagawa niya at hindi siya sumagot. Sa eksena namin, naramdaman ko hinga siya nang hinga na akala mo hihimatayin, kaya kinausap ko siya,” sabi ni Zoren.
Nabanggit din ni Zoren na mahirap gumawa ng daring scene dahil maraming tao sa set, may camera na nakatutok, may nagbibigay ng instructions, pasalamat ito na nagawa niya ng tama ang daring at maiinit na eksena. Pinaabangan nito ang kanyang mga kamay dahil kung saan-saan daw nakakarating.
Pokwang magde-demanda ng direktor
Binasa uli namin ang post ni Pokwang patungkol kay Rado Peru, isa sa mga director ng GMA-7 at totoo ngang may binanggit si Pokwang na puwede niyang idemanda si direk Rado dahil pinagbantaan si Pokwang at ginamit pa ang litrato ng aktres.
Nag-ugat ang isyu ng dalawa nang mag-tweet si Pokwang na katapusan na ng trolls dahil sa pangako ni Elon Musk, ang new owner ng Twitter to “defeat spam bots.”
Nag-react si direk Rado at sabi, “Boboto ung mga tinawag nyong “TROLLS” sa May 9 at ipamumukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin... at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin...”
Ayun, nagalit si Pokwang dahil tama naman na wala siyang binanggit na pangalan, bakit daw nag-react ang director. Tanong tuloy ni Pokwang kung troll ba si direk Rado at dito na niya binanggit ang “pwede kitang idemanda po fyi” dahil pinagbantaan daw siya.
May netizens na nag-react, dalawa na raw ang idedemanda ni Pokwang ‘pag nagkataon dahil pinagbantaan din niyang idedemanda ang netizen na nag-comment na habang lumalaki ang anak na si Malia ay pumapangit na hindi totoo.
Ang payo ng netizens kina Pokwang at direk Rado, kumalma, huminga at ‘wag magpadala sa ingay at init ng ulo dahil sa usaping pulitika. P
Fans ni Sarah, napapagod sa kanyang pagiging ‘safe’?!
May fans si Sarah Geronimo na na-disaapoint dahil hindi siya nagsasalita at nagpapahayag ng suporta kay VP Leni Robredo at sa running mate na si Sen. Kiko Pangilinan. Natuwa na sana ang fans ni Sarah sa lumabas na ad na inakalang siya naka-pink t-shirt, pero nilinaw ng Viva Artists Agency na hindi si Sarah ‘yun.
Kaya may nabasa kaming nag-comment ng “At this point, I wanna say na sobra akong disappointed sayo #SarahGeronimo. Sana sa iba na lang binigay ang kasikatan mo. Yung marunong manindigan. NAKAKAPAGOD KA NA.”
May nag-comment pa na si Sarah na lang ang naiiwan. “Galaw galaw. Ready na raw ‘yung accompaniment mo ng Rosas” at kinukumbinse itong galawin ang baso.
May fans din naman si Sarah na naiintindihan siya at love pa rin nila ito kahit sino ang susuportahan at iboboto. Rerespetuhin pa rin daw nila ang views, stand, at choice nito na siyang dapat.