^

Pang Movies

Ate Vi, ‘di takot sa bashers!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, ‘di takot sa bashers!               

Natatawa si Ate Vi (Vilma Santos) dahil sa narinig niyang comment diumano na maba-bash lang siya dahil nag-e-endorse siya ng isang non-winning candidate.

Na kumbaga ayon kay outgoing Rep. Vilma ay hindi na niya pinapansin ang mga ganyan after 23 years sa pulitika.

“Ang pulitika, hindi naman iyan parang sabong o karera ng kabayo na ang pipiliin mo iyong mananalo. Ang kailangang piliin mo kung sino iyong sa tingin mo may magandang programa at may kakayahang gawin iyon. Ano mang ganda ng sinasabi kung hindi naman magagawa, wala rin,” katuwiran niya.

“Iyong nagsasabi namang iba-bash ako, eh alam ko naman iyon. Nagtatrabaho yata siya para sa isang political clan, natural lang iyon. Ang nakakatawa lang, nasabi niya iyon sa isang Vilmanian pa. Kaya kumalat at malamang siya pa ang ma-bash. Pero sabi ko nga huwag na ninyong patulan. Hindi tayo concerned sa iniisip nila. Ang mahalaga pinaninindigan natin ang ating paniniwala na makabubuti para sa bayan, hindi dahil sa tayo ay binabayaran,” pahayag pa ni Ate Vi.

Samantala, ngayong pahinga na siya sa pulitika, inaasahan na ang pagbabalik showbiz ni Ate Vi. Pero babalik pa ba siya sa pulitika?

“After 23 years ayoko na munang isipin iyan, pero alam mo sa Batangas, kahit na saan ako magpunta iyon ang hinihingi ng mga tao. Huwag ko daw silang iwan. Pero sabi ko nga hindi naman namin sila iniwan, nariyan pa rin si Ralph (Recto), at bilang asawa niya, nariyan pa rin ako

“Anong malay mo baka isang araw nariyan na si Ryan. Baka mas magandang team pa iyong mag-tatay,” pagtatapos ng pahayag ni Ate Vi nang makausap ko.

Komedyante, buking ang interes sa ineendorsong kandidato

Napakapangit noong narinig naming ginawang endorsement ng isang komedyante sa isang kandidato. Ang sabi niya, “huwag ninyong kalilimutang iboto siya. Doon tayo sa magbibigay sa amin ng prangkisa.”

Di lumabas na ang totoo, na ang iniisip nila higit sa kabutihan ng bayan ay iyong kanilang personal na interes. Papaano mong masasabi na may kabuluhan ang endorsement mo, kung may personal na interest ka lamang. Pero kasabihan nga nating mga Pilipino, “ang isda ay nahuhuli sa bibig niya.” Iyang endorsement at pagboto ay hindi mo maaring gawing joke tulad sa comedy bar.

Pag-aralan naman sana nila ang mga pinagsasabi nila.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with