Kris, mahigit isang taon sa abroad para magpagamot
More than a year din maglalagi sa ibang bansa si Kris Aquino.
Nabanggit ito ni Kris nang mag-sorry siya dahil late siyang naka-happy birthday kay Regine Velasquez na nag-celebrate ng 52nd birthday last April 22.
Matagal nang napapabalitang aalis ng bansa si Kris, pero andito pa pala siya.
“Thank you again everyone for remembering my birthday love you guys,” post ni Regine.
At nag-comment si Kris : May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie - honestly i need to ask my sisters if it ever reached you - because alvin (your #1 fan) took care of everything- he’s on leave now because his mom is in the hospital,” umpisa ng comment niya.
“Mare sorry if my greeting is late- we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako.”
Matagal-tagal na rin walang health update si Kris sa kanyang mga social media account.
Ang huling post niya ay nang sumama siya sa rally ng tandem nina VP Leni and Sen. Kiko sa Tarlac last March na ikinakaba ng marami dahil nga sa kanyang health condition.
Mabagal noong magsalita si Kris pero pinaliwanag niya kung bakit andun siya sa nasabing rally.
Socialiate / may-ari ng Fila Philippines na si Cris Albert pumanaw habang nasa Singapore
Maramig na-shock sa fashion industry nang kumalat kahapon ang malungkot na balita ng pagpanaw ni Ms. Cris Albert habang nasa isang hotel sa Singapore.
Ayon sa statement ng FILA Philippines, sumakabilang buhay si Ms. Cris Albert noong Sabado pero walang ibinigay na detalye. “Her family appeals to everyone to respect their privacy as they grieve in this time of immense loss.
Malaking story ang pagpanaw ni Ms. Albert sa Singapore.
- Latest