^

Pang Movies

Kathniel, ‘di dumalo sa kasal ng mga kaibigan dahil kay Dominic?!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kathniel, ‘di dumalo sa kasal ng mga kaibigan dahil kay Dominic?!            

Iniintriga ngayon ang hindi pagdalo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal ng malalapit na kaibigang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia noong April 20.

Super-close ang KathNiel sa couple at Nguya Squad pa nga ang tawag sa barkada nila kung saan ay kabilang din sina Ria Atayde, Joshua Garcia, Dominic Roque, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda.

Nag-post si Gabbi ng mga larawan nila sa naganap na wedding. Sa caption, she wrote, “Pat & Ae’s wedding day nothing but overflowing love and joy for these two!”

Inulan ng komento ang post at hinahanap ng netizens sina Kath and DJ.

Bukod kay Gabbi and BF Khalil, ang iba pang celebrity friends ng couple na nakadalo sa wedding ay sina Ria, Dominic Roque, Sam Concepcion, Julia Barretto at Issa Pressman.

Sunud-sunod ang tanong ng netizens sa comment section kung bakit wala ang KathNiel at kung anu-ano na ang mga in-assume nila. May nang-intriga pa na nandu’n daw kasi si Dominic na noon pa’y nababalitang kaalitan ni Daniel.

Maging si Gabbi ay halatang nawindang sa rami ng komento ng netizens sa absence ng KathNiel kaya sumagot na rin siya ng “this post is for Pat & Ae, our newlyweds. Mahiya naman po kayo.”

Sumagot din si Khalil sa netizens ng “respeto na lang guys eh. Mahirap ba ibigay yun?”

Hindi na rin nakatiis si Patrick at nagbigay na rin ng paliwanag sa pagkawala ng KathNiel.

“Pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko,” sagot ni Patrick na halatang naiinis.

May netizens na ayaw maniwala sa paliwanag ni Pat. Komento ng isa, “Pwede ba yon, best friend mo wala sa pinakamahalagang araw ng buhay mo? Cmon wag kami, dont fool us!”

Sinagot din ito ni Pat. Aniya, “really? Kasi po nasa bahay lang ako ni dj a week before the wedding:) ako pa nagpaalam sa director nila if pwede sila payagan kahit for 1 day lang:) pero hindi talaga. And we understand. Bida sila sa show nila, sila ang pinakabusy.”

Hindi lang ang KathNiel ang inintriga ng netizens kundi pati si Bea Alonzo. Tinatanong nila si Dominic kung bakit hindi nito kasama ang girlfriend at nag-assume na baka dahil naroroon si Julia B.

Kim, tinawag na babaeng may bayag

Labis na pinahanga ni Kim Chiu ang asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce sa pagtindig nito bilang KakamPink and event went to Cebu para makiisa sa rally ni Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram Story ay napakaganda ng sinabi ni Neil tungkol kay Kim. Tinawag niya ang aktres na “babaeng may Ba*ag.”

“She was bashed by so many people yet she still had the courage to stand up for what she believes in. Sa mga panahon ngayon mas madami ang matapang na babae! Buti pa si @chinitaprincess may bayag!” pahayag ni Neil.

Ang iba namang Kakampink celebrities ay nagpasalamat din kay Kim sa pagtungo nito sa Cebu at pagsuporta kay VP Leni.

“Migaaaaaa salamat sa pagsuporta nga libre, Proud kaayu ko nmu miga,” sabi ni Melai Cantiveros.

“Yey! Proud of you, Kimmy!!!” komento naman ni Agot Isidro.

“So proud of you kimmy!!!!!” papuri rin ni Angel Locsin.

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with