Kaloka talaga na sobrang busog ko sa Korean lunch natin Salve nina Pat-P Daza at Cris Roque ng Kamiseta kahapon, kaya yata oversleep ako. Or baka naman ‘pag 75 ka na, talagang babad ka na sa bed.
At para bang naaamoy ko pa ang Korean side dishes na kinain natin, hahaha.
Buti na lang at humabol dun si Bambbi Fuentes kaya mas marami tayong chika na nasagap.
Siguro talagang dapat once a week, meron tayong chikahan lunch para mas maganda ang bonding. Iba pa rin ‘yung no hold barred na kuwentuhan, mga off the record na paglabas mo ng resto, wala na, forget mo na.
Happy conversations between friends na lalo pang nagpapasarap sa food.
Ganun din dapat ang gawin n’yo. Ang saya. Walang negative vibes, lahat lang tawanan.
Pagdarasal, nakakagaan ng pakiramdam
Dasal talaga ang pinakamabisang sagot sa mga problema. Basta nagdasal ka, kalmado agad ang pakiramdam mo, kaya nakakapag-isip kang mabuti. Pinakamadali sa lahat ang pagdarasal ‘pag medyo mabigat ang pakiramdam mo.
Saka masarap magdasal lalo na at nagpapasalamat ka kay God dahil sa magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo.
Kailangan mo ang dasal para mas lalong gumaan ang buhay mo at maging maayos ang mga desisyon mo.
Ngayon ang panahon na mas lalo natin kailangan ang dasal dahil sa mga nagaganap sa buhay natin at sa mundo.