Same sex relationship, mas bongga sa lantarang lambingan nina Ion at Vice
Hanga ako sa pagiging open ni Ion Perez sa kanyang relasyon kay Vice Ganda. Iyon talagang open na open siya sa pagsasabing love niya si Vice at feeling babae talaga ito sa mga mata ni Ion.
Maganda naman ang pagtanggap ng public sa relasyon nina Vice at Ion kaya walang problema. At least now, puwede nang maging open ang ganitong relasyon, hindi na nakakahiya para sa isang lalaki ang tanggapin na isang tranny ang kanyang minamahal, na basta sa love walang issue ang gender, universal na, puwede sa lahat.
Dahil nga kina Vice at Ion now puwede nang ipagsigawan ng lahat ng lalaki na in love sa isang katulad ng gender ni Vice Ganda na ito mahal ko siya. Maganda ang ginawa ni Ion Perez, ipinagsigawan ang pagmamahal niya.
Jennylyn, at Peace ang awra
Nakita mo ba ‘yung pictorial ni Jennylyn Mercado na ang laki ng tiyan dahil malapit nang manganak, Salve? Cute ha, maganda ang concept at mukhang very happy si Jennylyn sa kanyang maternity poses.
Maganda ang concept at iba-ibang pose ang ginawa. Mukhang at peace si Jennylyn sa ikalawa niyang pagbubuntis. Malaki na ang first niya na si Jazz na mukha namang kasundo ni Dennis Trillo at ng anak nito na si Calix. Ngayon na may 2nd na si Jennylyn at Dennis mukha namang magiging masaya ang kanilang pamilya.
At haharapin na nila ang kanilang mga career. Safe delivery, Jennylyn Mercado, stay strong and healthy for your growing family.
- Latest