^

Pang Movies

Direk Olive, nagpasalamat sa GMA!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Delighted si Direk Olivia M. Lamasan sa bagong partnership ng Star Cinema and GMA 7. Si Direk Olive ang managing director ng ABS-CBN Films / Star Cinema since mag-retire si Ms. Malou Santos.

“We are delighted to have Star Cine­ma movies be enjoyed by Kapuso vie­wers through this partnership with GMA. We thank the network for belie­ving in our films and we welcome this collaboration as a great beginning that will inspire us to continue creating stories that will resonate with more Filipinos,” aniya sa isang press statement.

Jeric, inaalalayan ni Alden

Smooth sailing daw ang taping ng local adaptation ng Korean drama na Start-Up na naka-fourth day na. Ito ang unang teleserye ng GMA na wala nang lock-in ngayong halos normal na uli ang lahat.

Nagsusuportahan diumano ang mga bidang sina Alden Richards, Bea Alonzo and Jeric Gonzales (na iisa pala ang discoverer nina Bea and Jeric).

Inaalalayan daw ni Alden si Jeric dahil ang character pala ni Nam Joo-hyuk ang gina­gampanan ni Jeric (na bida sa Korean version) habang ang character ni Kim Seon-ho ang napunta kay Alden. Si Bae Suzy ang character na ginagampanan ni Bea Alonzo na by the way ay sa July raw ito mapapanood.

KC, lumayas ng Pilipinas na hindi nakikita si Sharon?!

Ayaw magsalita ng isang malapit kay KC Concepcion, na nakabalik na sa Amerika matapos mag-stay ng almost two weeks sa Pilipinas, nang tanungin namin kung hindi ba sila nagkita ng mommy Sharon Cuneta niya habang andito sa Pilipinas si KC.

Marami kasing nag-expect na tutulong ito sa kampanya ng kanyang stepdad, vice presidentiable Kiko Pangi­linan. Pero umalis si KC na ang ilang friends at daddy Gabby Concepcion lang ang naka-reunion via zoom pa.

Pero malaman ang birthday post ni Sharon kahapon. Aniya, marami nang nangyayari, gayunpaman malaking piraso raw ng kanyang puso ang walang laman.

Mas pinili nga ni KC na balikan ang acting kesa maglagi sa bansa at mangampanya.

Sa kanyang birthday post ay sinabi niyang maligaya siya na binalikan ang akting. “Because it’s April 7th in the Philippines!!!  Being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy- what makes you feel alive!!!  Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves,” aniya pero wala siyang ibinigay na detalye tungkol sa nasabing proyekto niya.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with