Sumabak na rin sa pulitika ang panganay na anak ni Sen. Bong Revilla na si Bryan Revilla. Siya ang first nominee ng Agimat Partylist sa darating na May 9 national elections.
Humarap si Bryan sa entertainment press last Tuesday at isa nga sa natanong sa kanya ay kung ano ang nagbunsod sa kanya na finally ay pasukin na ang politika.
“Well, I guess, it’s something na I knew was inevitable, I think na eventually, darating din naman ‘to. I’ve been preparing for this for the longest time,” ani Bryan.
“It’s been something that I’ve been always exposed to. It’s just a question of when, it wasn’t a question of ‘gusto mo ba talaga?’ Parang sa akin, I knew it was already in my heart but was just (waiting), kelan ba ‘yung right time?” dagdag niya.
At para kay Bryan, ito na nga raw ang right time. Pero hindi rin naman daw naging ganu’n kadali ang pagdedesisyon. “It took a lot of prayers, talking to family na parang ‘ito na ba ‘yung panahon para pumasok?’ and I think, I’m already ready for it and I believe na itong ganitong klaseng opportunity, it’s not given to anybody, not everybody gets this chance – to be able to serve people,” he said.
Samantala, nausisa rin ang love life ni Bryan dahil nga up to now ay single pa rin siya sa edad na 35.
Ayon sa panganay ni Sen. Bong ay may non-showbiz girlfriend daw siya at hindi naman daw siya nape-pressure to get married kahit ang mga kapatid niya ay may kanya-kanya nang pamilya.
“You’ll know when’s the right time (to get married) and I don’t know kung ngayon ba ang tamang panahon for that, coz right now we’re busy trying to win an election. That’s where my focus is at now. And let’s see after that,” sey ni Bryan.
Regine, ‘di nakatulog nung nasa US si Ogie
Nakapiling na ulit ni Ogie Alcasid ang kanyang pamilya matapos ang almost 2 weeks na pananatili sa US para sa concert tour kasama sina Paulo Avelino and Janine Gutierrez.
Nag-post si Regine Velasquez sa Instagram kahapon ng larawan nila ni Ogie na magkasama na.
Sa photo ay hinahalikan niya ang kararating lang na mister at labis ang kanyang pasasalamat na nakauwi ito ng ligtas.
Ayon sa caption ni Regine, hindi raw siya nakakatulog ng maayos habang wala si Ogie.
“He’s back!!!!!! Oh my God!!!! Thank you so much Lord for bringing my baba home safely I haven’t been sleeping properly in 10 days. Now I can rest. I love you so much honey @ogiealcasid,” caption ni Regine.
Nag-post din si Ogie ng larawan niya kasama ang pamilya (Regine and son, Nate) at halata ring labis niyang na-miss ang mga ito. “Home is where the heart is,” caption ni Ogie.