Para kay Candy Pangilinan, hindi importante kung gaano ang naipamimigay mo lalo’t sa mga alam mong nangangailangan, kung hindi how sincere you are in sharing with others, what, kumbaga, you can afford lang.
Open book na hindi gaano (kalakihan) ang kinikita ni Candy sa kasalukuyan, kahit pa may bago siyang podcast show with Carmina Villarroel and sisters Janice and Gelli de Belen.
It’s an open book that she has a special child, si Quentin, who is nagbibinatilyo na.
Yet, in sharing daw, may kakaibang saya at pagmamalaki siyang naramdaman.
Siguro, dahil genuine nga raw siya mag-share.
Rufa Mae, walang kinakampihan
Hindi madali ang ginagawa ni Rufa Mae Quinto, yes, who is back in town, after nearly three years na pamamalagi with her foreigner husband at maliit pang daughter. Yes, sa US.
Nakikita siya sa rally nina Bongbong Marcos (BBM) at Manny Pacquiao, yes, both Presidentiables.
Asked who between them ang kanyang “kampi,” Rufa Mae said, wala raw, so she is not paid by either of them.
Mas type niya raw na magkaroon muli ng show, preferably raw sa GMA 7.
Well, good luck, Rufa Mae.
Ashley, agaw-pansin sa Widows’ Web
More of a professional skater, we all know, Salve A., si Ashley Ortega. Napanood siya dati sa Rizal Memorial Stadium, kasali sa ice skating contest, kung saan madalas din siyang manalo.
Ashley was only three years old nang matuto siyang mag-ice skate.
Now 23 years old, nakikilala na siya bilang aktres, as agaw-pansin ang kanyang performance sa Widows’ Web, where she plays the wife of a murder victim, performed by Ryan Eigenmann.
Equally admirable in her kontrabida role si Carmina Villarroel, who treats daw Ashley like a younger sister.
Both of Carmina’s twins, Mavy at Cassy, are in their 20s.
Benjie, consistent sa pagtulong kay Dagul
Nakaka-touch, Salve A., ang report ni Jessica Soho sa kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho, tungkol kay Dagul, dating napapanood sa sitcom na Kool Ka Lang.
Ibang-iba na siya ngayon. Hirap na siyang lumakad. Kung hindi siya naka-wheelchair, kailangang buhatin siya ng isang anak para makalipat siya ng puwesto.
From what we understand sa report ni Jessica, malalaki na ang kanyang mga anak pero wala pang nakatapos ng pag-aaral sa mga ito.
Isa sa mga bata na ‘namana’ ang looks at ang height (ni Dagul), ay pangarap na maging abogada.
Yes, babae ito.
And guess who, hanggang ngayon, ang artistang patuloy na nag-aabot ng tulong sa kanya at sa kanyang pamilya?
Well, si Benjie Paras, na dati niyang madalas makasama sa mga sitcom na kanyang nilalabasan.
Benjie is still doing very well. Both his two elder boys are accomplished sa field na kanilang pinili.
One of them ay kilalang basketball player ngayon.
The elder one ay nasa showbiz din.