Awayang Gretchen at Sen. Bato, humupa na
Parang hindi bagay, Salve A., na makipagbangayan ang supposedly maganda at cool-headed na si Gretchen Barretto sa isang lalaki pa mandin, at puwede na niyang maging ama, na siyang obviously namamagitan sa kanila ngayon at Senator Bato (Dela Rosa).
Naku, Gretch, tapusin na ninyo iyan. Walang mananalo at matatalo sa inyo – as is.
If, at all, both kayo, dapat tularang maging mamamayan ng ating bansa, lalo’t you both have it all.
Fake man o totoo ang ibinibintang n’yo sa isa’t isa, huwag n’yo nang hayaang uminit pa lalo.
Charlie at Kiko, sikreto ang gagampanan sa MMK
Impressed daw kaagad si Charlie Dizon lalo’t nang malaman niya sa unang pagtatagpo nila ni Kiko Estrada, with whom she is paired with for the first time in an upcoming episode of the highly acclaimed weekly drama series, Maalaala Mo Kaya (MMK), hosted by Charo Santos-Concio, na nabasa na nito ang script and type raw niya ang kuwento at ang role nila pareho.
Pero hindi both sila magbibigay ng ideya what the story is all about, especially kung ano ang kanilang respective roles.
Tutal daw, April 23 na ang balita nilang airing ng episode.
Bukod sa napapanood ito sa ilang local channels at platforms, outside the Philippines mapapanood daw ito on cable at IPTV via The Filipino Channel.
Ate Vi at Luis, isang beses pa lang nagkatrabaho
Right script for her and her son, Luis Manzano, ang hinihintay ni Vilma Santos-Recto, para muli raw silang magsamang mag-ina sa isang pelikula.
O, kahit TV show, kaya.
As it is, tanging ang pelikulang In My Life ang naging mag-co-star sila, kung saan nakasama rin nila ang hanggang ngayong sikat pa rin na si John Lloyd Cruz.
Direction: Olivia Lamasan, isa sa tinuturing na magaling at mabait na director, na producer na rin ngayon.
Napakaganda ng theme ng In My Life, as it is about a mother, na nahirapang tanggapin ang pagiging gay ng kanyang nag-iisa pa namang anak.
Walang paborito sa projects niyang ginawa si Ate Vi (let’s call her such), mapa-pelikula at mapa-TV.
Buong puso pa rin niyang gagampanan ang bawat roles na in-assign sa kanya sa bawat projects. At wala rin siyang directors o co-stars na tatanggihang makasama.
From each of them, she learned a lot. Hindi lang may kinalaman sa trabaho kundi sa pakikisama rin.
As she sincerely said: “I’ve never regretted choosing to be in this (business). Showbiz, of course.
“And, of course, politics as well.
“Kasi pareho ang purpose ng dalawang business na ito. Pakikisama at pagsilbi sa taumbayan.”
Ate Vi is 68.
She marks her birthday, Nov. 3.
- Latest