Ana, maraming beses na pinatawad si Kit?!

Talagang laman ng news si Ana Jalandoni.

Tinatawag na nga nila na SaKit Thompson si Kit na nanakit kay Ana. Ewan natin kung bakit sinasabi ng marami na raw beses nangyari ang pananakit pero bumabalik pa rin si Ana tuwing humihingi ng tawad si Kit.

Sabi nga ni Will Smith “love will make you do crazy things.” Pero kung ako si Ana, dapat alam niya na ‘pag mahal ka ng tao hindi ka sasaktan, lagi kang aalagaan at bibigyan ng proteksiyon. Puwedeng nabigla noong una, pero ikalawang beses, dapat goodbye na, huwag nang balikan. ‘Yung saktan ka, sobra nang kawalan ng respeto at pagmamahal.

Siguro naman sa tulong ng kanyang mga abogado, magkakaroon na ito ng tapang ng loob na maging matatag sa desisyon niya. Maging matibay para maka-move on. Kalimutan na ang nakaraan. Humanap ng mas mabuting lalaki na magmamahal sa kanya.

Pinky, mas gusto na sa probinsya

Marami na talagang mas gusto ang buhay-probinsya ngayon. Imagine mo si Pinky Tobiano na isang busy body dito sa city ngayon ay mas maraming araw na nasa Lipa.

Matutuwa si Ate Vilma Santos na malamang sobrang impressed sa Lipa, Batangas si Pinky. Grabe raw ang mga nagawa nina ate Vi at Ralph Recto sa lugar kaya naman gusto na ni Pinky na doon mag-stay sa Lipa.

Doon na rin niya pinapupunta ang mga kaibigan niya at doon na niya ginagawa ang ibang business meeting niya. Kasi nga, sobra na rin ang siksikan sa city, ang hirap nang kumilos dahil sa traffic, parang pagod na pagod ang feeling mo dahil siguro sa pollution.

Kaya hindi kataka-takang mag-isip ka na mas mabuti pang nasa out of the city ka, like parang ang lapit lang naman ng Bulakan at Batangas. Kaya huwag magtaka, kung sa mga darating na araw marinig mo na lang na ang mga mee­ting out of the city na.

Show comments