^

Pang Movies

John Lloyd, may ‘lovelife’ na!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
John Lloyd, may ‘lovelife’ na!             

Nagkaroon pala ng love interest si John Loyd Cruz sa sitcom niyang sikat sa kasalukuyan, Happy ToGetHer.

Na dapat lang, para masagot na rin ang tanong kung sino ang ‘her’ sa title na Happy ToGetHer.

Ang tagal na rin walang ka-love team ni John Lloyd. Hayan tuloy, nagkaanak siya sa tunay na buhay na walang asawa.

Magti-three years old na si Elias, na ang mother ay si Ellen Adarna, na kasama niya sa sitcom na Home Sweetie Home.

Hindi si Ellen ang kapareha niya sa Home Sweetie… kundi si Toni Gonzaga.

Mavy, talentado rin

Hoy, Salve A., napapanood mo ba lately sa TV ang lalaki sa kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi?

Twenty-one years old na ito, na Mavy (for Mave­rick) ang name.

Tall, not dark, but very handsome, ang puwedeng ituring na dagdag na ‘assets’ niya ay ang kanyang dimples. Deep, on both sides of his cheeks.

At magaling umarte at sumayaw.

Very friendly and articulate, too, just like his twin sister, Cassy (for Cassandra), who is back, too, in the Book 2 ng top series, titled First Lady na ngayon (dating First Yaya), nali-link sa kasalukuyan si Mavy kay Kyline Alcantara, leading lady niya sa katatapos na sikat ng series, I Left My Heart In Sorsogon.

Zia at Robin, pinanghinayangan

Napanood namin kamakailan lang si Zsa Zsa Padilla and her boyfriend, ang kilalang arkitekto na si Conrad Onglao.

Featured sa nabanggit na show ang houses na obviously designed by Architect Onglao at kanya na ring sinubaybayan ang paggawa.

Pawang located ang mga ito sa Metro Manila.

By the way, how true na nag-break lately sina Zia, anak ni Zsa Zsa sa late comedian na si Dolphy, sa anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin?

Sayang, bagay sana sila.

Allen at Sofia, pasisikatin

Well, watch nating mag-sparkle ang ibini-build up na bagong magka-loveteam Sofia Pablo at Allen Ansay.

They will soon be seen together in a new TV series, na ang mamamahala diumano ay si Gina Alajar.

Well, lately nga lang daw nalaman ni Allen na crush siya ni Sofia.

In his case raw, ani naman ni Allen, may kilig siyang nararamdaman tuwing magkasama sila ni Sofia.

Gretchen at Mayor Vico, maraming pagkakapareho

Now, type ko, Salve A., if true, na ang kilalang sportswriter at caster, Gretchen Ho, ang love of his life ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Tiyak, wala ring angal tayong maririnig kina Vic Sotto at Coney Reyes, parents ni Mayor Vico.

Kilalang mga negosyante both na Chinese ang ama at ina ni Gretchen.

And both are Ateneo de Manila University graduates din.

But, most of all, they look good together.

At one year lang ang difference ng kanilang edad. Thirty two si Mayor Vico, si Gretchen, 31.

Ngayon, ang tanong, kelan ang kasal kung totoong sila nga?

vuukle comment

JOHN LOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with