^

Pang Movies

Jeric at Rabiya, walang nega sa rebelasyon ng relasyon  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jeric at Rabiya, walang nega sa rebelasyon ng relasyon                 

Ginulat nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang kani-kanilang fans nang bigla nilang i-reveal na in a relationship sila.

Halos magkasunod ang post nila sa Instagram last Wednesday ng kanilang sweet photos together nang magtungo sila sa Bohol.

Caption ni Jeric, “to more memories with you @rabiyamateo I love you.”

Sinagot naman ito ni Rabiya sa comment section ng “through good and bad times, Im gonna be there by your side. I love you Babe.”

Ang caption naman ni Rabiya sa kanyang post, “Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric.  @je­ricgonzales07.”

Sinagot naman ito ni Jeric ng “let’s be happy together. I love you.”

Positibo namang tinanggap ng netizens at kanilang celebrity friends ang relasyon ng dalawa.

Nagkasama sina Jeric at Rabiya sa isang episode ng Wish Ko Lang last November at marahil ay dito sila nagsimulang ma-develop sa isa’t isa.

Angelica, na-trauma sa online shopping

Inirereklamo ni Angelica Panganiban ang mataas na tax ng Bureau of Customs sa items na galing sa ibang bansa.

Idinaan ng aktres ang kanyang reklamo sa Twitter.

“Guys, please enlighten me honest question ito. Ano ang basehan ng customs sa pag tax ng item mo? Bakit mag kasing halaga na ang tax na pinabayaran sakin at ng item na wala naman silang hinihinging resibo para malaman ang presyo ng item?” ang tanong ni Angelica sa Twitter.

May sumagot na netizen ng “depending on the declared value of the sender. if its an online purchase, they required online stores to attach a copy of amount declaration on the package na po.”

Sinagot naman ito ni Angelica. Aniya ay nagulat daw siya sa laki ng siningil sa kanya.

“Yun nga dapat diba? Wala naman nakalagay from seller. Hindi din sila tumawag sakin. (Na usually naman nangyayari, then ipapadala ko sa kanila yung screenshot ng binayaran ko online) this time, nagulat na lang ako sa laki ng pinabayaran sakin,” sagot ni Angelica.

Sa huli ay muling nag-tweet ang aktres at sinabing wala rin siyang nagawa kundi bayaran ang malaking singil ng tax sa kanya. Ipinahayag din niya ang pagsisisi na bumili pa siya sa online.

“Salamat sa mga reponses ninyo. Nakakapang hinayang lang na wala akong choice kundi bayaran yung singil nila. Kung alam ko lang na 70% yung babayaran kong tax sa customs. D na ko bumili online,” pahayag ni Angelica.

Na-shock din ang netizens sa 70% tax na hiningi sa kanya at komento nila ay hindi raw dapat ganito kalaki.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with