Pati sa pageant for trangenders ay napansin ang ganda ng Pinay. Nag-place sa Top 16 ng Miss Trans Star International ang ating Philippine representative na si Veejay Floresca.
Ang Miss Trans Star International ay pageant for transgender women na nagsimula noong 2010 pa.
Naganap ang coronation night nito sa Catalonia, Spain noong nakaraang March 12. Ang nagwagi ng korona ay si Miss Nicaragua Tiffany Gonzalez at mga naging runners-up ay sina Miss Mexico Ivanna Diaz and Miss Venezuela Sofia Colmenarez.
Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Veejay sa pag-compete niya sa pageant kahit hindi niya nakuha ang korona.
“New Spanish words I’ve learned, new sisters from different parts of the world, new friends, and souvenirs from this incredible trip!!! To the people who sent their support, you know who you are, thank you!!! To the people who helped me with my preparations, thank you!!!! To my friends for everything!!! Saya! I have so many stories to share Mga sis!!! To my family, boyfriend, love you!!!!! So kilig to shout… Veejay Floresca, Philippines.”
Isang avid pageant fan si Veejay at pinangarap niyang makasali sa isang international beauty pageant na natupad naman.
“I started as a pageant fan and who would have thought that I can be a beauty queen myself? All dreams are valid. Don’t allow other people’s opinions to stop you from achieving your dreams. One day — look at me! — you’ll be surprised that you will have that opportunity to make your dream come true, and it’s really a great feeling,” sey pa niya.
Nakilala si Veejay bilang in-demand fashion designer ng bansa bago ito lumipat sa US para sa kanyang business at ipagpatuloy ang kanyang pag-transition mula male to female. Noong 2008, sumali sa Project Runway Philippines si Veejay kung saan nakaabot siya sa Top 3.
Hindi malilimutan si Veejay at ang kanyang mga kaibigan dahil sa nag-viral na video nila on YouTube na nagtatalon sila sa kama sa tuwa noong maging finalist si Venus Raj sa Miss Universe 2010.
Sam, kasal na rin
Best wishes sa dating Eat Bulaga Dabarkads na si Sam YG dahil kinasal na ito sa kanyang fiancee na si Essa Santos sa St. Benedict Church in Silang, Cavite.
Sa Instagram video ng radio personality DJ Tony Toni, mapapanood ang wedding ni Sam at Essa. Nilagyan niya ng caption na: “Eto na! Happily self-imposed lockdown foreva eva! Congrats to our brother Mr. Samir & Mrs. Essa Gogna. Signed and sealed with a kiss.”
Prior to their wedding day, nagkaroon ng prenup photoshoot ang dalawa suot ang traditional Indian clothing and casual outfits.
The two officially became a couple noong April 28, 2018, at nag-propose si Sam kay Essa noong January 2021.
Kim at Pete, lumantad na
Instagram official na ang relationship nila Kim Kardashian and Pete Davidson.
Legally single na ang 41-year old reality star, kaya naman malaya na siyang ipagsigawan sa social media na karelasyon niya ang Staurday Night Live comedian.
Sa series of photos, suot ni Kim ay metallic jacket, thigh-high boots, and sunglasses habang nakahiga sa sahig si Pete. Nilagyan niya ito ng caption na: “Whose car are we gonna take?!”
Hindi raw lalabas si Pete sa reality show ni Kim na The Kardashians on Hulu. Pero pag-uusapan niya ang details kung paano sila nag-meet.
Dating engaged si Pete sa singer na si Ariana Grande noong 2018 pero limang buwan lang inabot ang engagement nila.
Kamakailan ay inamin ni Kim na naimbiyerna siya sa ginawang music video ng ex-husband na si Kanye West na Eazy dahil masyadong bayolente kahit na isang claymation ito.