Marami nang nakaka-miss kina Liza Soberano at Enrique Gil kaya naman kinilig ang followers nila sa social media nang mag-post ang aktres ng photo nila ni Enrique.
Sa photo ay background nila ang sunset habang nakangiti at nagtititigan sila. Sa second photo naman ay tila hahalik sila sa isa’t isa. “You make my heart smile,” caption ni Liza sa Instagram post niya.
Naghihintay na lang ang kanilang fans kung kelan na magpapakasal ang dalawa. Seven years na raw kasi sila at nasa tamang edad na sila para magdesisyon kung kelan sila mag-settle down.
Last year ay nagsosyo sa business ang LizQuen na HKT Essential na ang product ay affordable rubbing alcohol. Paghahanda raw ito para sa future nila ni Liza.
Market place ni Rico Blanco, magbubukas na
Maglu-launch ng bagong business ang former Rivermaya frontman na si Rico Blanco sa La Union.
Tatawagin daw niya itong Port San Juan at isa itong market place na para sa local residents at turista sa naturang probinsya. “Can’t believe I’m now just counting the weeks (days??) til my ultimate dream project in Surftown LU @portsanjuan finally opens its doors to the community. My partners and I have worked on this for a few years now so I’m absolutely thrilled to see our market level looking all set to welcome tenants, partners, friends and guests VERY SOON,” post ni Blanco sa Instagram.
Matagal na raw goal ng singer ang makapagpatayo ng ganitong business kaya nagiging emotional siya. “Matagal ko pinangarap ‘to kaya pagbigyan n’yo na kung biglaang nag-photo shoot na lang ako dito para hindi maiyak,” sey pa niya.
Siyempre, hindi mawawala sa big launch ng Port San Juan ang girlfriend niyang si Maris Racal. Sey ni Rico na very supportive raw si Maris sa kanyang business venture at nagsilbi itong inspiration niya.
Friends star Matthew Perry, nilabas ang sama ng loob sa co-stars sa libro
Sa November 2022 na ang release ng memoir ng Friends star na si Matthew Perry titled Friends, Lovers and the Big Terrible Thing... Matthew Perry’s Ups and Downs Through the Years: A Timeline.
Sa naturang libro, mababasa ang ilang mga sikreto na hindi alam ng mga tagahanga nila tungkol sa mga kasama ni Perry sa Friends na sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc and David Schwimmer.
Ayon sa 52-year old actor, wala siyang pakialam kung sino ang masasaktan. Gusto lang daw niyang ilabas na ang ilang taong pagkimkim niya ng sama ng loob sa mga nakasama niya sa show for 10 years.
Nagsimula raw ang idea na magsulat si Perry ng libro pagkatapos ng kanilang Friends: The Reunion special sa HBO last year. Naging target daw siya ng katatawanan dahil sa hitsura niya.
“He didn’t feel like any of them supported him, and it was a bitter reminder of how much he suffered back when they were shooting the show. They weren’t as close as people think. Their characters were so tight, but the reality is there was a lot of tension and jealousy,” sey ng source.
Kasama rin sa libro ang pinagdaanan na struggle ni Perry with drug and alcohol abuse. Pati na rin ang ilang failed relationships niya sa mga nagdaang taon.