Wow, Salve A., hindi pa man totally nae-erase ang awareness tungkol sa issue between former lovers Barbie Imperial at Diego Loyzaga, heto’t may Imperial muli na in the news, she is alleged to be the “real” third party sa hindi pa ma-solve na problem between husband and wife, Tom Rodriguez at Carla Abellana.
We are referring, of course, to Meg Imperial, na nali-link kay Tom. Which, in fairness, Meg not just promptly but vehemently denies.
As for Carla, she is mum about the issue between Tom and Meg, who says she is actually close to Carla. And of course, Tom, too.
O, hayan tuloy, ayaw mapag-usapan ni Meg ang kahit tungkol sa supposed first team-up nila ni Tom, The Last Five Years, scheduled to stream daw on Vivamax soon.
Of Meg, her real first name is Mary Grace. Yes, Imperial ang surname niya.
She is in her late 20s, and not in a relationship, at wala pa raw balak makipagrelasyon, lalo’t seriously.
Dream niya raw to make herself a bigger star after The Last Five Years.
But not in five years pa.
Wala pa raw siyang kiyeme sa pag-tackle ng intimate scenes with her leading man.
Tiyak, marami raw kikiligin sa sex scenes lalo nila ni Tom, na malamang ngang lalong magiging cause ng pagselos lalo ni Carla.
Sen. Bong, agimat ang pagiging sinsero
Bukod sa kanyang high rating action series, Agimat ng Agila, ratsada rin sa kasalukuyan si Senator Bong Revilla sa pagtulong sa panganay na anak, si Bryan Revilla, na tumatakbo for a political office under the Agimat Partylist.
His wife, Lani Mercado, the seating mayor ng Bacoor, is herself running for a political position, too, this time, as Representative of a particular district, also in Cavite.
Ditto with their current vice governor son of Cavite, Jolo Revilla, na Congressional seat din of another particular district din ng Cavite, kumbaga, ang “habol.”
Kay Senator Bong daw ipinamana ng kanyang ama, itinuring na one of the most loved politician ng Cavite, ang ‘agimat’ na taglay ni Ramon Revilla Sr. ng maraming taon.
Manatili sana na effective agimat ang anting-anting na taglay mo, Senator Bong.
Although, alam ko rin, na mas matindi ang paniniwala mong mas matinding ‘agimat’ ang sinserong pakikisama sa tao.
Lalo’t may kalakip na pagmamahal.
Myrtle, may ‘itinanim’ sa kabataan
Six years na rin pala na endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners. Yes, si Myrtle Sarrosa.
Tunay na maipagmamalaki raw nila na ito ang kanilang endorser all these years, ani Ms. Aileen Choi Go, vice president for sales and marketing ng Megasoft, na produkto ng malapit sa puso ng mga kababaihan, the young and old alike.
At heto pa, sa mula’t mula pa, itinanim ni Myrtle sa mga tumatangkilik sa kanilang produkto ang kahalagahan ng pag-aaral.
Nagtapos si Myrtle na cum laude sa college from the University of the Philippines, no less.