Ashley, matagal pinangarap maging bida   

Tomorrow, Feb. 28, ang world premiere ng first suspense-mystery series ng GMA Network, ang Widows’ Web na magtatampok kina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Ashley Ortega at Pauline Mendoza.

Among the four actresses, first time ito ni Ashley na gaganap in a lead role, kaya hindi niya naiwasang maging emotional nang ibigay sa kanya ang said role sa serye.

Inamin ni Ashley na matagal na niyang gustong makaganap sa lead role, dahil since pumasok siya sa GMA Network, madalas ay kontrabida ang role niya. Last year, ang huli niyang serye ay ang Legal Wives na todo-kontrabida ang role niya.

“Bukod po sa lead role, ito po rin ang first mature role kong gagampanan,” kwento ni Ashley sa virtual presscon. “Kaya po talagang kailangan kong paghandaan at pag-aralan ang character ni Jackie, dahil pare-parehong mahuhusay na actress ang mga kasama ko. Totoo pong naiyak ako dahil katuparan ito ng wish kong makaganap ng lead role, kaya nagpapasalamat po ako sa opportunity na ibinigay nila sa akin.

“After reading the script, na-excite po ako, there’s a lot of thrill on the show. Kaya mas ginanahan akong magtrabaho. Marami po akong ginawang preparations, physically, emotionally and mentally, dahil may three character transition si Jackie sa story. Kinailangan ko rin po mag-lose ng weight to look mature, to act mature at need ko ring mag-modulate ng voice para magmukhang mature ang boses ko. Ito na po ang pinaka-effort na paghahanda ko ng isang character, kaya maraming-maraming salamat po.”

Ang Widows’ Web ay mapapanood at 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady sa GMA 7.

Medyo nag-isip pala muna si Vaness del Moral tanggapin ang Widows’ Web dahil katatapos lamang niyang mag-give birth sa first baby nila ng husband niyang si Matt Kier. First time niyang bumalik trabaho at lock-in taping pa sila, pero naintindihan naman siya at pumayag si Matt kaya tinanggap niya ang offer.

Inamin ni Vaness na kabadung-kabado siya sa first taping day niya, dahil iba ang role na ginampanan niya.

Bianca at Ken, umeksena sa Mano Po

Nagpasalamat ang buong cast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune ng GMA Network at Regal Entertainment nang magtapos na ang kanilang  episode last Friday, Feb. 25. May nagtanong kung may continuation pa raw ang episode na ito dahil bitin ang ending. Pero na-excite ang netizens nang biglang pumasok sa eksena si Bianca Umali, na isa ring office employee at kilala si Steffy (Barbie Forteza), then sinundo siya ng boss niya, played by Ken Chan.

From a very serious at dramatic first episode ng Mano Po Legacy, isa namang light romantic comedy episode ang isusunod nila, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss na pagtatambalan nina Ken at Bianca for the first time.

Wala pa silang definite date of airing sa March.

Show comments