Sarah at Matteo, parang nagbabahay-bahayan pa lang

Mukhang sweet na sweet at very romantic life nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Two years na silang kasal pero parang nasa honeymoon stage pa rin kaya naman kilig silang tingnan. ‘Yung parang bahay-bahayan nilang setup sa getting to know you stage ng kanilang married life parang ang sweet at ang cute. Parang nai-imagine mo how tender ang pagmamahal ni Matteo at how sweet ang treatment ni Sarah sa asawa.

Talagang lahat waiting sa magiging babies nila, pero huwag namang i-pressure at bigyan muna ng panahon mag-enjoy pa longer ang dalawa na sila muna, saka na ang additional member ng family.

Enjoy muna natin na bahay-bahayan silang dalawa, saka na magkaroon ng junior at mini me.

Richard at Lucy, tatak Ormoc ang ipinamimigay na tasa

Ang ganda ng Ormocano cups na binigay sa atin nina Richard Gomez at Lucy Torres, Salve. Mga design ng kalachuchi flowers pala iyon na parang tatak Ormoc talaga.

Napaka-artistic talaga ni Lucy  at talagang ang ganda ng family photos ng mag-anak na Gomez. Sabi ko nga, lucky Ormoc na dalawang beautiful ladies ang nasa kanila, si Lucy Torres, at Marivic Larrazabal, na asawa ni Goyo na ‘kalaban’ ngayon ni Richard sa kanilang lalawigan, pero alam natin na after the election tulong-tulong din sila para sa pag-unlad ng kanilang mahal na Ormoc.

Ang pulitika, hindi talaga maiwasan, akala mo nag-aaway ang mga magkalaban na pareho naman ang hangad, mapabuti ang kanilang lugar.

Show comments