^

Pang Movies

Kris, may puwang sa AMBS ‘pag gumaling?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kris, may puwang sa AMBS ‘pag gumaling?!

Kris Aquino turned 51 last Valentine’s Day.

Sa kabila ng kanyang health condition, alam ni Kris na kailangan pa siya ng kanyang dalawang anak na sina Joshua (26) at Bimby (14) kaya patuloy siyang humihingi ng dasal for her to be able to recover.  Pero sa kabila ng kanyang kondisyon ngayon, patuloy pa rin siyang lumalaban para sa kanyang mga anak.

Hindi man nagtagal ang kanilang naging relasyon ng kanyang dating fiancé, former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at dating politician na si Mel Senen Sar­miento, mas hinaharap ngayon ni Kris ang patuloy na pagpapagaling.

Samantala, kapag gumaling si Kris, tiyak na makakabalik ito sa dati niyang mundo, sa telebisyon bilang host sa tulong ng kanyang kaibigan, ang game show host-producer na si Willie Revillame na kilala sa pagiging malapit sa business tycoon at dating senador na si Manny Villar na siyang nakakuha ng prime broadcast frequency na hawak dati sa mahabang panahon ng ABS-CBN, ang bagong tatag na Advanced Media Broadcast System (AMBS).

In fairness kay Willie, plano sana nito noon na i-produce ng isang TV program si Kris sa GMA, pero may mga balakid kaya hindi ito natuloy. It was in April 2016 nang magpaalam si Kris sa dati niyang programa sa ABS-CBN, ang Kris TV due to health reasons pero nung gusto na niyang bumalik ay okupado na ang kanyang time slot ng Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.  Nagkaroon din ng attempt na magkaroon siya ng bagong TV show sa TV5 (block time) pero hindi rin ito natuloy kahit nakapag-taping na siya para sa pilot episode.

Kung dati-rati’y naging reyna rin si Kris sa paggawa ng kabi-kabilang product endorsements, unti-unti rin itong nawala.

Magkakapamilya at magkakaibigan, nawawasak sa pulitika

Alam mo, Salve A., nakakalungkot isipin na nang dahil lamang sa pagkakaiba ng mga paniniwala, opinion, kulay, partido at mga personalidad na pinaniniwalaan at sinusuportahan ay maraming magkakapamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan ang nasisira.

Isang araw lamang ang halalan at ito’y matatapos din pero ang matagal na samahan ng pamilya at pagkakaibigan ay tuluyan nang nasira at nabuwag.

Tayo lamang ang bansa na ganito. Sa halip na magkawatak-watak, dapat nating igalang ang choice at opinion ng iba kung hindi man sila sang-ayon sa ating mga pinaniniwalaan.

Puwedeng maupo sa puwesto ang mga taong hindi tayo sang-ayon pero sila’y halal ng bayan na dapat nating irespeto. In the same manner, kapag nanalo ang mga taong pinaniwalaan at sinuportahan natin, dapat din silang irespeto ng mga taong hindi naniniwala sa kanila.

Dahil wala tayong pagkakaisa sa ating bansa, hanggang ngayon ay watak-watak pa rin tayo at hindi natin kailanman matatamo ang pagkakaisa na gustong mangyari ng ilang gustong mamuno sa ating bansa.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with