Kat, tuloy ang pag-aayos sa PTV 4

Hindi ko alam na up to now ay si Kat de Castro pala ang namamahala ng PTV 4. Anak ni Noliboy de Castro si Kat at tulad ng father niya, masipag at grabe sa PR ni Kat.

Sure ako na ‘yung mga pagbabago at maayos na programming ng PTV 4 si Kat ang namahala at ideas niya kaya maganda ngayon ang andar ng government station.

Tulad ng BBC na owned by the government pero fair at very agressive ang approach sa balita, ganundin ang PTV 4. At dahil iyan sa expertise niya. Ang kanyang secretary na si Chit Gatan talagang hangang-hanga sa sipag ng boss niya, kaya naman talagang team sila para malaman ng lahat na ang PTV 4 ay competitive sa ibang istasyon.

Watch their political interviews na talagang fair at mahusay ang latag sa lahat ng candidates. May iba silang paraan para maiba sa ibang interview kaya magandang panoorin.

Passport, dalawang taon natengga!

May lunch chikahan tayo, Salve, nina Cris Roque ng Kamiseta, Leo, Pat-P Daza, Gorgy para pag-usapan ang travel sa Bangkok. Hahaha. Finally.

Grabe, dahil ang tagal nating hindi nagbiyahe, Bangkok lang excited na ako, kaloka! Imagine mo na more than two years na hindi nagamit ang passport, parang unfair ‘di ba! Kasi nga iyan na lang ang isa sa happenings na talagang naiiba sa araw-araw nating ginagawa, ang magbiyahe paminsan-minsan. Kaya naman parang torture na hindi tayo nakasakay ng plane for two years hah hah.

Kaloka kaya super excited na ako.

Show comments