Willie, puring-puri ng CEO Frontrow
‘Pag narinig n’yo ang mga papuri ni Sam Verzosa kay Willie Revillame parang sila na talaga ang BFF.
To high heaven kung purihin ni Sam ang kabaitan ni Willie, at parang idol na idol niya ito. Sabagay kung titingnan mo ang history ng buhay ni Willie talagang hahanga ka sa naging daan niya sa pag-akyat sa tagumpay.
‘Yung hirap na dinaanan niya bago siya naging Willie Revillame. At palagay ko naman isa rin siyang mabuting kaibigan dahil pumayag siya na gamitin ni Sam Verzosa ang Tutok to Win para sa partylist nito na isa nang insurance para maging madali ang panalo.
Saka siguro naman sa laki ng itinutulong ng Frontrow sa programa ni Willie dapat lang maging mabait siyang kaibigan kay Sam. Sana nga hindi tulad ng nawalang programa ni Willie, magtagumpay ang partylist na Tutok to Win para manalo si Sam Verzosa sa congress.
Maganda ang layunin niya sa pagpasok sa pulitika, may mabuti siyang puso at advocacy, sana mabigyan ng chance.
Walang kasiguraduhan…
Habang nanonood ako ng last episode ng Tutok to Win lalo pang tumibay ang paniniwala ko na talagang walang sigurado sa anumang bagay. Ipinakita iyon ng episodes kung saan halos malunod sa rami ng tao si Willie Revillame.
‘Yung habang nanonood ka iniisip mo, ang laking artista, nasa itaas, sikat na sikat, pero pakakawalan ng network. ‘Yung para bang walang panghihinayang na puwede kang umalis anytime, good riddance, ganun lang, kahit gaano ka pa kasikat.
Mas masakit pala ‘yung feeling na pinakawalan ka kahit nasa itaas ka. Kung nasa ibaba ka kasi parang alam mo na any moment aalisin ka dahil bawas na ang ningning mo, pero ‘yung nasa itaas ka pa at papayagan kang umalis, parang shocking para sa iyo.
No amount of saving face or alibis can cover the truth na kahit mataas ang rating o puno ng commercials, mawawala na ang programa ni Willie. At kahit sabihin pang precious jewel siya sa talents ng GMA 7 hayun at pinakawalan siya. Shocking pero totoo. Truth na dapat harapin ng bawat talent, hindi ka puwedeng hindi palitan o alisin, ang masusunod pa rin ay ang network, ang matibay pa rin ang bahay, kahit sino ang nakatira puwedeng mawala, pero ang bahay matibay pa rin.
GMA 7 will always be GMA 7, with or without Willie Revillame. And that is the truth, nothing else.
- Latest