Sharon, ayaw mangampanya?!  

Ask ko lang, Salve A., kung kelan openly sasamahan ni Megastar Sharon Cuneta sa pangangampanya ang kabiyak na si Senator Kiko Pangilinan, who, we all know is running for Vice President ni Presidentiable Leni Robredo ngayong coming election.

Isa pang tanong, will the two ladies agree to share, kumbaga, the stage?

Wow, ‘pag nagkataon.

Diego at Barbie, mahal ang pamilya ng isa’t isa

Samantala, gentleman ang turing kay Diego Loyzaga ng mga tunay na nakakaalam sa breakup nina Barbie Imperial.

Nasaktan daw nang labis ang binata dahil alam niyang minahal siya ng mga kaanak ni Barbie.

And vice versa.

Asked though if may reconciliation na magaganap sa kanila, ang malumanay na sagot ni Barbie, wala raw. Bagama’t Barbie and her family will forever be a part of his life. “Minahal ko sila,” ani Diego, “mananatili silang mahal ko.”

At sana ganun din ako sa kanila.

Piolo at Pia, nagtambal sa sitcom

Tiyak na ang pagkakaroon ni Piolo Pascual ng sitcom. Ngayong March daw ito magsimula at may titulong My Papa P.

At ang katambal niya, si Pia Wurtzbach.

Sa totoo lang, ang guwapo ngayon ni Piolo. Binago niya ang kanyang gupit.

At obvious na excited siya sa bagong series niya, adopted from a Korean drama series, Flower of Evil, sila ni Lovi Poe ang magkapareha.

Show comments