Late bloomer sa acting na maituturing ang namayapang educator, scholar, singer-actress, playwright, author and book editor and philanthropist na si Rustica Carpio na sumakabilang-buhay nung nakaraang Feb. 2, 2022 sa edad na 91.
Ang award-winning actress ay nagsimula sa kanyang movie career sa edad na 45 sa pamamagitan ng pelikulang Nunal sa Tubig na pinamahalaan ng yumaong National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal.
Although ang edukasyon ang kanyang unang passion, nakagawa pa siya ng maraming pelikula tulad Aliw nung 1979, Bona nung 1980, T-bird at Ako nung 1981, Moral nung 1982, Dapitan nung 1997, Lola nung 2009, Captive nung 2012 at Circa nung 2019. Ito rin ang nagsilbing huling pelikula niya.
Ang pelikulang Lola na dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza ay nakapagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang international Best Actress award mula sa Las Palmas International Film Festival in Spain. Siya rin ang nanalong Best Actress ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa kaparehong pelikula nung 2010. Siya rin ang ginawaran ng Crystal Simorgh for Best International Artist sa Fair International Film Festival in Iran.
Taong 2010 naman nang ibigay sa kanya ng Life Achievement Award ng FAMAS. Ginawaran din siya ng Ani ng Dangal ng National Commission for Culture and Arts para sa pelikulang Lola.
Siya’y naging UNESCO fellow in Dramatic Arts sa National School of Drama and Asian Theatre sa New Delhi, India.
Si Rustica ang nag-organize ng Dept. of Communication sa PUP nung 1987 at siya rin ang kauna-unahang chairperson at unang dean of the College of Mass Communication. Siya rin ang founder ng Master in Mass Communication Program nung 1990 sa PUP Graduate School. Siya rin ang proponent ng pagpapatayo ng auditorium sa Mass Communication Center ng PUP.
Nanilbihan din siyang dean of the College of Communication sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Siya’y nagturo ng mass communication, literature at theater arts sa PUP, USA, PLM at FEU.
Ang pagpanaw ni Rustica ay isang malaking kawalan hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi maging sa movie industry na matagal na panahon niyang pinagsilbihan.
Ang aming pagsaludo sa inyo, Rustica Carpio.
Julius, nahirapang layasan ang Kapamilya
Hindi pera ang naging basehan kung bakit lumipat sa Kapatid Network (TV5) ang dating Kapamilya news anchor na si Julius Babao (54).
Inamin ng veteran journalist, news anchor at public service program host na hindi naging madali para sa kanya na iwan ang kanyang naging tahanan ng 28 taon, ang ABS-CBN kung saan nahulma ang kanyang pagiging mahusay na radio and TV news anchor at pagiging host ng pagserbisyo publiko na programa tulad ng Mission Possible sa telebisyon maging ang Aksyon Ngayon at Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo.
Nanatili pa rin si Julius sa ABS-CBN ng halos dalawang taon bago siya nagdesisyon na lumipat sa TV5 for his career growth. “Marami pa akong gustong gawin,” aniya.
Simula sa darating na Lunes, Feb. 7 at 5:30 p.m. ay mapapanood na si Julius along with former ABS-CBN talent Cheryl Cosim na naghahatid ng pinakamaiinit na balita sa Frontline Pilipinas.