Natuwa naman ako na na-discover ko ang KIX at KBS channel sa Sky Cable. Dun ako watch ng mga Koreanovela at natapos ko na ang Born Again. Ngayon sinusubaybayan ko ang Just Once, Twin Cops at Ms. Monte Cristo, bongga ‘di ba.
Sinusundan ko araw-araw ang palabas at pati tuloy mga awards night nila napanood ko na. Ngayon ko nakita na halos pareho rin naman ang plot ng mga istorya ng Korean at ‘yung mga serye natin. Medyo mas maganda lang ang presentation ng kanila, at mas maganda ang production design pero almost same ang mga plot.
‘Yung Ms. Monte Cristo parang Tagalog na namatay kunwari ‘yung bida at nagbalik para maghiganti na ilang beses nang napanood sa mga serye natin. ‘Yung presentation lang talaga ang naiiba, ‘yung setting at siguro nga ‘yung pag-arte ng mga artista.
Naku bongga lang na napasok nila ang international market na sana target noong golden days ng showbiz. Pero now, ‘yung mapasok na lang ang talents natin sa international projects ang puwede nating maging pangarap, dahil hindi na nga ganun ka-competitive ang products natin.
Kung sa talent, ok tayo, wala lang ang financial backing para sana puwedeng lumaban ng mga filmaker natin.
‘Basta may puso…’
Kung minsan talagang nati-test ang pasensya mo sa tao. Meron kasi na hindi marunong umintindi ng binabasa, at meron namang iba ang ibinibigay na kahulugan sa sinasabi mo. Ang pinakanakakainis, ‘yung stars na nakikinig sa fans nila at sa mga sinasabi ng mga ito na hindi ginagamit ang utak. Doon mo mapapatunayan na meron talagang ang ibinigay lang ng Diyos ganda, pero walang laman ang utak.
Kaloka kasi, hindi bale nang bobo pero sana may loyalty, hindi bale nang bobo, pero sana may puso na alam makita ‘yung talagang may malasakit sa kanila. Maganda ka nga, wala namang laman ang utak mo, siyempre damay na rin ang pagiging matigas ng puso mo. Sayang na sayang dahil iyang ganyang ugali, nakakatakot ang babagsakan.