Aww kasalan na rin ang hinihintay ng fans kina Bea Alonzo and Dominic Roque.
Lalo na nga at kahapon ay may anniversary post ang actress.
“It took so much patience from you, but here we are. And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made.? Happy anniversary, hun. @dominicroque,” aniya.
Walang mention kung pang-ilang anniversary na nila ito pero lately lang naging lantaran ang pagmamahalan nila na dating lihim na lihim kahit sa ilang personal friends nila kasama na ang circle nina Daniel Padilla na former BFF ni Dominique na diumano’y mas affected noon pag nagdi-deny si Bea tungkol sa kanila ni Dominic.
Ngayon ay common knowledge na ini-unfriend na ni Daniel si Dominic since maging public sila ni Bea.
Enchong, wanted!
Tiningnan ko ang Instagram account ni Enchong Dee nang ibalita ni Nay Cristy Fermin sa kanyang programa sa One News with Rommel Chika, Cristy Ferminute, kahapon na may warrant of arrest na ang actor para sa kasong P1 billion cyber libel.
Two days ago ang last post ng actor na parang nasa beach.
Hindi raw kasi nai-serve ang warrant dahil wala sa address na nakalagay ang actor.
At ang payo ni Nay Cristy kay Enchong, sumuko na lang at magpiyansa.
Nanatiling tahimik ang actor sa nasabing cyber libel complaint na inihain ni Party-list Rep. Claudine Bautista-Lim ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER).
Isang bilyon ang halaga ng ikinaso ni Rep. Claudine – moral damages P500 million and P500 million para sa exemplary damages.
Maalalang nag- tweet si Enchong noong Aug. 14, 2021 tungkol sa diumano’y ‘lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a pandemic.’
Pero mabilis siyang nag-apologize “I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgement.
“With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist.
“I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause.
“I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news.
“I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions.”
Diumano ay ito pa ang nagpabilis para madiin siya sa nasabing kaso.