Bea at Alden, gagawin din ang Pinoy adaptation ng Start-Up?!
It seems na magiging very busy na ang bagong magtatambal na sina new Kapuso actress Bea Alonzo and Asia’s Multimedia Star Alden Richards. May nag-post na sa Twitter na “Korean drama ‘START-UP having a Philippine adaptation under GMA Network; Kapuso stars #BeaAlonzo and #AldenRichards are rumored to lead #StartUpPH.”
So, ibig sabihin ay parehong Korean drama ang gagawin nina Bea at Alden. Special Memory ang movie under Viva Films, GMA Pictures and APT Entertainment. Balitang this February ay magsisimula na ang lock-in shoot nila. It will be directed by Ruel Nuval.
Hindi pa namin alam kung iri-retain ng GMA ang Start-Up title ng serye nina Bea at Alden na balitang by March naman sisimulan ang lock-in taping.
Pero bago sila magsimulang mag-shoot ng new projects nila ay magkasama pa rin sina Bea at Alden sa mga bagong TVC shoots ng dati nilang endorsements.
Sa Sunday naman, Jan. 30, mapapanood muna si Alden sa pagbabalik-live presentation ng All-Out Sundays at 12:00 noon. At kinagabihan, at 8:00 p.m., ang documentary concert niyang ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr. for the benefit of The AR Foundation na itinayo niya. To be directed by Frank Lloyd Mamaril, musical direction by Adonis Tabanda, naiibang concert ito dahil dito ipakikilala kung sino ang real Richard Faulkerson, Jr.
Sa show, iri-recall ni Alden ang hirap niyang mag-aral pagkatapos yumao ang beloved mom niyang si Rosario Reyes. Noon pa ay nabuo na sa isip niya ang commitment niya to education dahil naranasan niya ang hirap mag-aral na walang tumutulong sa kanya.
Kaya ang AR Foundation will offer scholarships to underprivileged children. Isa ngang hindi nalimutang tulungan ni Alden ang isang batang lalaki, na putol ang arms pero gustung-gustong mag-aral, na dumalaw pa sa kanya sa taping ng Victor Magtanggol. Sa ngayon, may dalawa nang college graduates na natulungan si Alden. Kaya ang pangako niya, “one hundred percent of the proceeds will go to AR Foundation to sustain our current scholars and to even open up further assistance po sa mga nangangailangan ng tulong pagdating sa edukasyon.”
- Latest