^

Pang Movies

That’s actor na si Romano Vasquez, pumanaw sa edad na 51!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
That�s actor na si Romano Vasquez, pumanaw sa edad na 51!

Marami ang na-shock sa maagang pagpanaw ng singer-actor at successful businessman na si Romano Vasquez na sumakabilang-buhay last Sunday early evening, Jan. 23, sa edad ng 51.

Si Romano (Ramonito Romano Anacan Dila sa tunay na buhay) ay nagsimula sa kanyang showbiz career nang siya’y maging bahagi ng youth-oriented program na That’s Entertainment ng GMA hosted by the late star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno. Siya’y kasama sa Friday group ng That’s Entertainment, na pinagmulan na maraming stars and talents na marami sa kanila ay aktibo pa rin hanggang ngayon. 

Nung aktibo pa si Romano sa kanyang showbiz career ay nakagawa ito ng mara­ming pelikula (action and sexy movies) tulad ng First Time, Like A Virgin, Dark Tide, Epimaco Velasco: NBI at iba pa. He also guested sa ilang drama anthologies tulad ng Regal Studio Presents at Regal Shocker. Nakapag-record din siya ng album nung 2016 na pinamagatang Chicken Adobo kung saan hango ang mga awiting Hindi Na Mawawalay, Habang May Hininga at Ito Ang Nararanasan Ko.

 Habang nasa That’s Entertainment  ay naging girlfriend niya ang singer-actress at kasamahan sa programa na si Shirley Fuentes.

Tulad ng ibang artista, dumaan ng unos ang career ni Romano hanggang sa siya’y mapunta sa hindi magandang grupo ng kaibigan na lalong nakasira sa kanyang pagkatao. Pero ang maganda, natutong bumangon si Romano hanggang ito’y makapagtayo ng sarili niyang negosyo kung saan siya nagtagumpay at kasunod na rito ang kanyang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Ang singer, actor at businessman ay iniwan ang kanyang asawang si Alma Panuelo-Dila o Len-Len at apat na anak na sina Angelie Kate (22), Albert (16), Sky (15) at Raven (8).

Hindi pa maliwanag ang sanhi ng pagkamatay ng singer-actor. Ang kanyang mga labi ay kasalukuyang nakaburol sa Crown Funeral Service, Purok 6, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay na iniwan ni Romano.

Diego, matagal pa ang bakasyon

It was last week of December nang lumipad ang Viva young actor na si Diego Loyzaga patungong Amerika for a much-needed vacation. Ito bale ang kauna-unahang biyahe ng singer-actor sa Amerika na laking Australia.

Mag-isang umalis si Diego at hindi kasama ang kanyang girlfriend of more than one year, ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial dahil wala pa umano itong US visa.

Ayon sa young actor, sa susunod na buwan umano ang kanyang balik at agad umano siyang sasabak sa trabaho sa kanyang bagong project sa Viva.

Matapos mapanood sa pelikulang Dulo na pinagtambalan nila ni Barbie mula sa panulat at direksyon ng ex-PBB housemate-turned actor-writer-director na si Fifth Solomon, may bagong movie ang binata nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, ang The Wife, na pinagsasamahan nila nina Louise de los Reyes at sexy actress na si Cara Gonzales. Ito’y sinulat at dinirek ng Mamang movie Gawad Urian Best Director na si Denise O’ Hara at nakatakdang ipalabas sa Vivamax sa darating na Pebrero 11.

Si Diego ay isa ngayon sa busiest actors sa bakuran ng Viva since his transfer from Star Magic in 2020.

vuukle comment

ROMANO VASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with