Mel, pinagalitan ng mga kapatid sa pakikipaghiwalay kay Kris?!

Nabuhayan ng loob ang shippers nina Kris Aquino at Mel Sarmiento sa balitang nagkabalikan o magkakabalikan pa lang sila ni Mel. May nagtanong kung totoo ang balita at may kinikilig na wala pa mang kumpirmasyon. May nag-wish na sana puntahan ni Mel si Kris.

May nag-comment na may part two pala ang Kris-Mel relationship at ang ganda ng sinabi ng fan na ito ni Kris na “If Kris is happy I will support her maybe may redeeming value si MS, only Kris knows the real him.”

May nagpayo naman kay Kris to please guard her heart para hindi na siya muling masaktan pa. I-prioritize raw nito ang kanyang health hindi lang para sa kanya, para na rin sa kanyang mga anak.

May lumabas palang larawan ni Mel and his fa­mily noong nasa Cebu siya para sa death anniversary ng kanyang ama. May nagbiro na siguradong pinagalitan si Mel ng kanyang mga kapatid at mga kamag-anak sa pakikipag-break kay Kris.

Dominic, laging may pa-bulaklak kay Bea

Sa Feb. 14 pa ang Valentine’s Day, pero nagpauna na si Dominic Roque sa pagbibigay kay Bea Alonzo ng bouquet of tulips na ang ganda-ganda. Mahilig sa flowers si Bea at last year nga, noong hindi pa sila open sa kanilang relasyon, ang ganda rin ng bouquet of roses na bigay ni Dominic.

Saka, kahit saan pala magpunta si Bea, pagbalik niya, siguradong may bulaklak na pasalubong ang boyfriend. Kaya tuwang-tuwa ang fans ni Bea kay Dominic at ayaw man nilang ikumpara kay Gerald Anderson, ang laki raw ng pagkakaiba ng dalawa sa aspeto kung paano nila mahalin si Bea.

Samantala, tila nawawalan na ng pag-asa ang fans nina Bea at Alden Richards na gagawin pa nila ang Special Memory movie nila. Pareho naman daw walang project ang dalawa ngayon, nakapag-look test na sila, bakit hindi pa simulan ang shooting? Saka lang kasi gagawin ni Bea ang teleserye sa GMA 7 kapag natapos na ang shooting nila ni Alden.

Ang sabi nga naman, by January, tapos na ang shooting nila ni Alden, eh, malapit nang magtapos ang buwan wala pa ring shooting. Baka naman tatapusin lang ni Alden ang docu concert niyang ForwARd at isusunod na ang shooting nila ni Bea.

Claire, lumundag agad sa Kapamilya

Lumipat na pala sa ABS-CBN si Claire Castro na ipinakilala ng GMA 7 sa Nagbabagang Luha nila ni Glaiza de Castro. Isang teleserye pa lang ang nagawa ni Claire sa Kapuso network at ilang guesting sa mga show, ayun, lumipat na at pumirma na ng kontrata sa Star Magic.

Nagulat ang mga taga-GMA sa balitang ito dahil inakala nilang solid ang pagiging Kapuso ni Claire, pero ayun, nasa kabilang bakod na. Ibig sabihin, wala siyang kontrata sa Sparkle at kung bakit hindi siya in-offeran ng kontrata, hindi natin alam.

Show comments