Namatay na si Don Pepot, in demand noon sa political rallies
Isa na namang miyembro ng sining ang pumanaw noong nakaraang Enero 18, 2020, ang veteran actor-comedian at dating radio host at writer, si Ernesto Fajardo na mas kilala sa kanyang screen name na Don Pepot dahil sa pneumonia na may kinalaman sa COVID-19. He was 88.
Bukod sa pelikula’t telebisyon, si Don Pepot ay in-demand noon bilang host sa maraming events tulad ng mga fiesta at political rallies. Likas na sa kanya ang pagiging komedyante magmula nang siya’y pumasok sa showbiz nung early `60s. Naka-tandem din niya noon ang isa pang sikat na komedyante, ang yumao na ring si Apeng Daldal (Sarafin Gabriel) na pumanaw nung Feb. 9, 1992.
Nung aktibo pa sa showbiz si Don Pepot at nakagawa ito ng mahigit 100 pelikula at kasama na rito ang Showbusiness, The Pogi Dozen, Langit Pa Rin Kita, Lisensyadong Kamao, S2pid Luv at marami pang iba.
Naging in-demand siya noon sa comedy and action movies.
Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Don Pepot.
Derek at GMA, nagkasundo sa suspendidong kontrata
Nagkasundo ang GMA management at ng athlete-actor at entrepreneur na si Derek Ramsay na i-suspend muna ang kanyang kontrata sa Kapuso network habang hindi pa handa ang actor na mag-taping under lock-in setup. Ito’y bilang proteksyon na rin sa kanyang mga mahal sa buhay lalung-lalo na sa kanyang parents na parehong senior citizens at maging sa three-year-old son ng kanyang wife na si Ellen Adarna (sa actor na si John Lloyd Cruz) na si Elias na hindi pa bakunado. Nauunawaan naman daw ng GMA ang sitwasyon ng actor kaya habang wala itong ginagawang proyekto ay naka-suspend muna ang kanyang kontrata.
Si Derek ay lumagda ng kontrata sa GMA nung April 3, 2019 pero isang TV series pa lamang ang kanyang nagagawa, ang The Better Woman kung saan nabuo ang kanilang relasyon ng dati niyang girlfriend na si Andrea Torres.
Habang hindi pa gumagawa ng bagong TV series si Derek ay abala ito ngayon sa kanyang buhay may asawa at sa kanyang mga negosyo at kasama na rito ang isang bagong construction business with his friend as business partner.
Samantala, ipinagpaliban muna ng mag-asawang Derek at Ellen ang kanilang planong delayed honeymoon sa Africa kasama si Elias dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.
Ibinahagi rin ni Derek na handa rin umano silang magkaroon ng sariling anak ni Ellen. Sa June 27 ay four years old na si Elias habang 18 going 19 naman ang kanyang panganay na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.
Although whirlwind ang naging relasyon nina Derek at Ellen na nauwi ng kanilang agarang pagpapakasal, umaasa ang couple na maging forever ang kanilang pagsasama.
Chef Jose at Maria Ozawa, ‘di kinaya ang LDR
LDR (long distance relationship) ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang almost five years relationship ng dating magkasintahang chef-actor at entrepreneur na si Jose Sarasola at ang kilalang Japanese-Canadian-French sexy actress na si Maria Ozawa.
Nasa Pilipinas ang karera ni Jose habang sa Japan naman ang career at negosyo ni Maria.
Dahil sa pandemya, nabawasan ang pagkikita ng dating magkasintahan dahil sa travel restrictions due to health protocols. Hindi makabiyahe ng Pilipinas si Maria at gayundin si Jose papuntang Japan. Dahil dito, minabuti na lamang ng dating magkasintahan na wakasan na lamang ang kanilang relasyon.
- Latest