‘Pag napapanood ko si Bernadette Sembrano sa TV, gandang-ganda ako sa kanya. Ang pleasant ng mukha niya, masarap pakinggan ang boses niya, at feel mo na parang mabait siyang tao.
Lalo ngayon na mas maraming oras mo napapanood ang mga newscaster sa TV dahil parang nasa balita ngayon ang focus, madalas mo mapanood sila Bernadette. The more you see her everyday, lalo siyang gumaganda.
Naisip ko nga, puwede na naging artista si Bernadette dahil sa kanyang looks, pero maganda siyang addition sa mga newscaster dahil aside from her credibility, nandun pa ang kind looks niya.
Kaya type na type ko siyang pinapanood, at promise, parang ‘pag siya ang bumato ng news, nagiging good news, hah hah hah. Fan mo ako, Bernadette Sembrano.
‘Talagang hindi maiiwasan ang pagtanda…’
Sa isang speech na tumatak sa isip ko, ‘yung sinabi ng isang senior star sa isang awards night na napanood ko recently. Dahil matanda na siya, hindi na looking forward ang ginagawa niya, but looking back. Ngayon ko maisip ang wisdom ng mga salitang iyon. Totoo nga naman, dahil ‘pag matanda ka na, konti na lang years ang ilalagi mo sa mundo, so why expect too much. Hahayaan na lang natin the years to pass by.
Ang lagi mo na lang babalikang tanaw ay ang mga nangyari na, parang flashback na lang ang mga papasok sa isip mo. Kung noong bata ka, hindi mo maiisip na sasakit ang mga buto-buto mo, ‘yung babagal ang kilos mo, ‘yung hihina memorya mo. Magtataka ka na lang na nararamdaman mo na iyon sa sarili mo, na now, ang bagal mo nang kumilos, na now, medyo mahina na ang tuhod mo, na kailangang ilista mo na ang lahat ng sked mo kundi tiyak na meron kang malilimutan.
Talagang hindi maiiwasan ang pagtanda. But always remember, the happy days na natikman mo, na maraming magandang bagay na nangyari sa buhay mo.
Look back with gratitude in your heart, and happily wait for what tomorrow will bring. Sarap ng buhay at mabuhay.