Hindi alam ng isang Marites na nag-comment na “Pera pera ka lang” si Congw. Lucy Torres na mayaman ito at mayaman ang pamilya sa Ormoc City. Ang pagkakatanda nga namin, ‘yung bahay na tinirahan naming mga press people na naimbitahan sa kasal nina Lucy at Ormoc City Mayor Richard Gomez ay nasa loob ng subdivision owned by Lucy’s family.
Maraming pagmamay-ari ang pamilya nina Lucy at ‘yung matamis na pinya na araw-araw naming kinakain habang nasa Ormoc kami ay galing sa malawak na taniman ng pinya ng mga Torres.
Kaya siguro nakapag-comment ng gan’un si ate gurl dahil sa pahayag ni Lucy kay presidentiable Bongbong Marcos. Actually, hindi lang si ate gurl ang na-trigger sa pahayag ni Lucy, maraming supporters ng ibang tumatakbong presidente ang nag-react.
Sabi kasi ni Lucy, “On the matter of the presidency, it’s really an act of destiny, it’s one of those things that only God knows and only time will tell. And I’d just like to say that if it is in God’s plan for BBM to be our next President, may you be one ofthe best this country has ever had and I wish you well, I wish you every success... you being the most vilified perhaps also because you are the most popular, for every curse a blessing.”
Ang ganda ng sinabi ni Lucy, pero hindi ‘yun nagustuhan ng mga hindi iboboto si Bongbong hanggang may mag-react nga na pera pera lang siya.
Pamilya ni Yasmien, tinamaan din ng virus
Tinamaan din pala ng COVID si Yasmien Kurdi, ang asawang si Rey Soldevilla at ang anak nilang si Ayesha. Silang mag-asawa, last day na kahapon ng home quarantine at si Ayesha, may additional days pa. Mapapanood daw sa kanyng YouTube chanel ang COVID journey nilang mag-anak.
Sobra ang pag-iingat nina Yasmien na hindi sila magkasakit, lalo na si Ayesha, kaya lang, kahit anong pag-iingat ay tinamaan pa rin sila. Kaya ang paalala nito sa lahat ay mag-ingat. “Stay healty Mommies, Daddies and kids!”
Hinihiritan pala si Yasmien ng kanyang supporters na sundan na nila ni Rey si Ayesha, sayang daw kasi ang genes nilang mag-asawa kung iisa lang ang kanilang anak. Kaya lang, mukhang masaya na sila na tatlo lang sila sa pamilya o baka hindi pa right time para masundan si Ayesha.
Chiz at Heart, nagsalita sa pre-nup
Four weeks na lang pala ang I Left My Heart in Sorsogon at siguro naman, bago ang ending ng rom-com series, malalaman na kung magtutuloy ang kasal nina Celeste (Heart Evangelista) at Tonito (Richard Yap) o magkakabalikan sina Celeste at Mikoy (Paolo Contis).
And speaking of Heart, maganda ang content ng YouTube channel sina Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero na pati ang pre-nup agreement nilang dalawa ay pinag-usapan.
Ang linaw, pero mahaba ang paliwanag ng dalawa sa pre-nup, ang tinumbok nito ay parehong hindi big deal sa mag-asawa ang pre-nup.
Sabi ni Chiz, “Kung malawak naman pag-iisip niyong dalawa, puwede niyo naman pag-usapan ‘yun. Kung hindi, baka maging issue pa–minamaliit ‘yung isa, tinitingnan nang maliit ‘yung isa. Consequences of a prenup? I don’t see any as long as you agree on it.”
Nilinaw naman ni Heart na kapag may prenup ang isang mag-asawa ay hindi na magtutulungan sa finances.
“Hindi naman siya swapang-swapang kayong dalawa. I mean, you guys help each other pa rin. It’s just you don’t want to fight na, “Bakit ka bumili niyan? Ganyan, ganyan...”
“If you can still provide for your wife even if you have a pre-nup or if you can still help your husband even if you have a pre-nup, it’s still the same,” paliwanag ni Heart na sinang-ayunan ni Chiz.