^

Pang Movies

Kalye ni Pilita Corrales sa Australia, naalala sa FPJ Ave.

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kalye ni Pilita Corrales sa Australia, naalala sa FPJ Ave.

Kung ang isang kalye in Melbourne, Australia ay ipinangalan after “Queen of Songs” na si Pilita Corrales dahil sa kanyang pagiging sikat na TV and recording star in Melbourne in the early part of her singing career, nilagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11608 nung nakaraang Jan. 13, 2022 sa pagpapalit ng ng pangalang Roosevelt Avenue in Quezon City sa pangalan ng movie icon, ang movie king at National Artist na si Fernando Poe, Jr. na sumakabilang buhay nung Dis. 14, 2004 sa edad na 65.

Sa loob ng 15 days pagkatapos mailathala sa national newspaper ang nasabing batas ay maisasakatuparan na ang pagpapalit ng pangalan ng kalye pangalan ng mister ng movie queen, ang veteran actress na si Susan Roces.

Ang ancestral house ng yumaong movie king, actor, director at producer ay matatagpuan sa Roosevelt Avenue na hindi gaanong kalayuan kung saan naman nakatayo ang FPJ Productions na matatagpuan naman sa Del Monte Avenue in Quezon City.

Nung nabubuhay pa si FPJ ay itinuturing na siyang bayani hindi lamang ng mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino kundi sa pangkalahatan dahil sa kanyang pagiging simple, humble, mabait, pakikipag-kapwa-tao at pagi­ging matulungin sa marami. Kaya naman nang siya’y pumanaw ay binigyan siya ng hero’s burial.

Sa ika-walong taon ng kanyang death anniversary ay pinasinayanan ang sariling monumento ni FPJ na matatagpuan sa panulugan ng Roxas Blvd. at Arquiza St. in Ermita, Manila na personal na dinaluhan nina Susan Roces at Sen. Grace Poe.

Nung nabubuhay pa si FPJ ay nakagawa ito ng mahigit 300 na pelikula na karamihan ay siya ang nag-produce sa ilalim ng FPJ Productions. Marami rin sa kanyang mga pelikula ay siya ang nagdirek sa ilalim ng kanyang pseudonym na Ronwaldo Reyes.

Sa kabila na halos 18 dekada na magmula nang mamayapa si FPJ, patuloy pa ring buhay ang alaala ni Da King dahil patuloy na napapanood ang kanyang mga classic films sa telebisyon tulad ng Ang Panday, Lo’ Waist Gang, Bato Sa Buhangin, Ang Probinsyano (na muling binuhay ni Coco Martin sa telebisyon), Batang Quiapo, at napakarami pang iba.

Pagkatapos ni FPJ, dapat na rin sigurong isunod ang isang kalye sa Tondo kung saan siya isinilang para naman sa yumaong Comedy King na si Dolphy Quizon.

Robin, pinuri sa pagtanggol kay Kris

Ang actor na si Robin Padilla na mismo ang nakikiusap sa bashers ni Kris Aquino na tantanan na ang host-actress dahil sa pinagdadaanan nito ngayon na may kinalaman sa kanyang kalusugan at ang short-lived relationship nito sa kanyang fiancé, ang dating politician at DILG Secretary na si Mel Sarmiento.

Marami ang pumuri kay Robin sa ginawa niyang pagtatanggol sa dati niyang kasintahan.

Sa totoo lang, Salve A., very alarming ang hitsura ngayon ni Kris na malaki na ang ibinagsak ng katawan. Nariyan pa ang kanyang dalawang anak na sina Joshua (26) at Bimby (14) na kailangan pa niyang alagaan at subaybayan.

Mga pamangkin ng dating sexy star Lara Morena, marami na ring trabaho

Natutuwa ang dating sexy star ng OctoArts Films na si Lara Morena dahil unti-unti na ring napapansin ang tatlo niyang mga pamangkin na sina Angela Morena, Stephanie Raz at Micaela Raz na sabay-sabay lumagda ng management contract with Viva. Except for Micaela na hindi pa nakakagawa ng project sa Viva, sina Angela at Stephanie ay sunud-sunod ang movie projects. Si Angela ay isa sa naging leading lady sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie Aussie O Sige! nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ng actor-director na si Dennis Padilla. 

Kasama rin si Angela sa Kinsenas Katapusan na mapapanood sa Vivamax ngayong Feb. 4 at launching movie ng bagong sexy star na si Ayanna Misola kasama sina Joko Diaz, Kier Legaspi, Jojo Abellana, ang 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee at Jamila Obispo na dinirek naman ni GB Sampedro.

PILITA CORRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with