Moi, kabog ang pagbati kay Piolo
Birthday ni Piolo Pascual noong Jan. 12 at wala sa hitsura niya na 45 years old na siya at kahit may white hair na siya, hindi ‘yun ikinatu-turn off ng girls na like at love pa rin siya.
Anyway, may magandang birthday message kay Piolo ang anak niyang si Inigo Pascual na sinamahan niya ng piniling photos nila na magkasama.
“Happy birthday to my father! I chose these photos that show how you are as a father, that people don’t usually get to see. Thanks for being so fun and caring. Thanks for all the lessons and for always pushing me to be the besy version of myself.”
Pero, walang tatalo sa birthday message kay Piolo ni Hatima Marcampo o mas kilala sa showbiz na si Moi na very close kay Piolo. Hindi namin alam ang designation niya sa buhay ng actor, basta very close sila.
“Happy birthday my Mayor, you’re the best!! And you are the yummiest, the yummer? hehe i love you beri beri much!!! Ikaw lang yung habang tumatanda lalong sumasarap! Ahahaha pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old ka na!! Naku lagot baka tayo talaga!! Wahahahaha. Happy birthday.”
Anyway, wala pang nakapagtanong kay Iñigo sa take niya sa relasyon nina Piolo at Shaina Magdayao. Curious lang tayong lahat kung ano ang masasabi niya.
Connie walang sintomas, Pia kanyang mag-ama nagpositibo
Ang good news ni Connie Sison na after ng ilang araw niyang isolation, wala pa rin siyang symptoms ng COVID-19. Na-expose yata si Connie sa positive sa COVID, kaya kinailangang mag-isolate.
Good news din ang na-share ni Pokwang sa followers niya sa Instagram dahil after seven days of isolation, negative na ang result ng test niya.
Si Pia Guanio, ang asawang si Steeve Mago at anak nilang si Scarlet ang nag-positive sa COVID-19. Naka-isolate na sila sa iba’t ibang parte ng kanilang bahay at sa bintana na muna nagkukumustahan. Pasalamat si Pia na healing and recovering well ang kanyang mag-ama.
Benjie, binuking na ‘di apektado ang Prima Donnas sa mahabang lock-in
Kasama pa rin si Benjie Paras sa Season 2 ng Prima Donnas bilang si Agaton, ang loyal driver ni Jaime Claveria (Wendell Ramos) kaya 82 days din siyang naka-lock-in taping at sabi nito, kailangan nilang maging strong sa taping both emotionally, spiritually, and physically.
Gaya sa ibang cast, pinasalamatan nito na may prayer at worship, at Bible reading na sama-samang ginagawa ng buong cast lalo na sa kanilang mental health. Malaking tulong din sa kanya na nakakausap niya ang kanyang pamilya everyday kahit via phone lang. Nakukumusta niya ang wife niya at mga anak.
“Ang mga bagets lang ng cast, sina Jillian (Ward), Sofia (Pablo), Althea (Ablan), at Elijah (Alejo) lang ang nag-enjoy sa mahabang lock-in taping namin. Kahit gabi na at pagkatapos ng taping, nagtatawanan, at nagkukuwentuhan pa rin sila, walang kapaguran. Happy sila, kami gustong umuwi ang mga bagets, nag-i-enjoy,” sabi ni Benjie.
Sa Jan. 17, after Eat Bulaga na ang simula ng Season 2 ng Prima Donnas and to refresh the memory of the viewers sa nangyari sa Season 1, for one week, recap muna ang mapapanood. Sa Jan. 24 na magsisimula ang airing ng new episode.
Lotlot, nagpasalamat sa basher
“Love you thank you” ang sagot ni Lotlot de Leon sa fan ng mom niyang si Nora Aunor na sumugod sa Instagram niya para siya’y awayin. Matigas daw ang puso ni Lotlot dahil siguro ito sa hindi kasama si Lotlot sa mga anak ni Guy na bumisita sa kanya after ng New Year.
Nilitanya ng fan ni Guy ang mga nagawa ni Guy kay Lotlot na madalas ipaalala kay Lotlot. Sinabihan pa si Lotlot na hindi gusto ng fan ni Guy ang ugali niya, kaya i-a-unfollow na siya.
Tama ang ibang followers ni Lotlot sa payo sa kanya na ‘wag nang sagutin ang fan ng mom niya at iba pang Noranian na galit sa kanya dahil nga hindi dinalaw si Guy. Totoo namang pare-pareho nating hindi alam ang true story kung bakit nawalan ng communication ang mag-ina at hayaan natin silang lutasin anuman ang problema nilang dalawa.
Malay natin sa Christmas this year at sa New Year sa 2023 o sa birthday ni Guy sa May 21, okay na sila ni Lotlot.
- Latest