^

Pang Movies

Zia, kinabiliban sa Dance Monkey!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Zia, kinabiliban sa Dance Monkey!

Positive vibes ang dala sa netizens na video ni Zia Dantes na kumakanta ng Dance Monkey ng Tones and I. Maganda raw ang boses ni Zia, nasa tono, maganda ang timbre at buo. Sana raw mag-voice lesson si Zia para mahasa pa ang boses nito. Future singer daw si Zia at on point ang boses.

Pati choice ng songs na kinakanta ay pinansin din dahil at her age, kinakanta ang Stand By Me at Can’t Help Falling In Love ( na parehong old songs) at itong Dance Monkey.

May nagtanong kung kanino nagmana si Zia sa husay kumanta? Ipasagot natin ito kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang alam namin, tinuturuan din ni Dingdong si Zia to play the guitar and drum.

Paolo, kinalimutan na ang birthday ni Summer?!

Nakakatuwa ang netizens, hindi raw kasi totoong hindi naalala ni Paolo Contis ang birthday ni Summer (ang anak nila ni LJ Reyes) na birthday noong isang araw. Three years old na ang bagets na sosyal dahil sa New York nag-birthday, kaya lang, wala ang ama niyang si Paolo at parang hindi raw naalala na birthday ni Summer.

Kinontra ito ng netizens, naalala raw ni Paolo ang birthday ng anak nila ni LJ, kaya nga nagpunta ito sa Boracay at doon nag-celebrate. Kaya lang, hindi si Summer o si LJ ang kasama ni Paolo kundi si Yen Santos.

Anyway, malapit na ang Valentine’s Day at ang Araw ng mga Puso ang next important day na aabangan ng netizens kina Paolo at Yen. Aabangan nila kung saan magse-celebrate ang dalawa sa kanilang first Valentine’s Day together.

And speaking of Paolo, may sumusubaybay sa I Left My Heart in Sorsogon na ang gusto ay sina Mikoy (Paolo) at Celeste (Heart Evangelista) ang maging endgame, sila ang magkatuluyan.

Maxene, mahal na mahal ang in-laws

Manugang pa rin ang turing kay Maxene Magalona ng parents ng soon to be ex-husband niyang si Rob Mananquil na sabagay, hindi pa naman pormal ang paghihiwalay ng dalawa.

Si Maxene naman, “Dad” and “Mom” pa rin ang tawag sa parents ni Rob at post nito, sa in-laws niya siya nag-spent ng New Year’s eve. Sa photo na pinost, nasa Power Plant Mall sila for a merienda.

Tinawag din niyang “two of the kindest and most unconditionally loving souls that I’ve ever met in this lifetime” ang parents ni Rob. Pure and rare raw ang love na ibinigay ng mag-asawa sa kanya at sa kanilang mga anak.

Sabi ni Maxene, “Family isn’t always about blood. It’s the people in your life who want you in theirs;  the ones who accept you for who you are. The ones who would do anything to see you smile and who love you no matter what.”

Ang napansin ng netizens, suot pa rin ni Maxene ang kanyang wedding ring, kaya may pag-asa pa raw na maayos nila ni Rob ang kanilang marriage.

Kaya lang, kailangang bumalik ng bansa si Rob na nasa Bangkok ngayon. Paano nga naman sila magkakaayos ni Maxene kung wala siya sa Pilipinas.

Matris ni Iya, gustong hiramin ng mga nahihirapang mabuntis!

Sobrang aliw basahin ang comments sa post ni Iya Villania na she’s pregnant sa fourth child nila ng asawang si Drew Arellano. May mga misis na nainggit kay Iya dahil sila raw ay matagal nang gustong magkaanak at kung anu-anong posisyon na ang ginagawa para magbuntis, pero wala pa rin.

Sa Bisaya ang mga nakakalokang comment, hindi maiintindihan ng non-Bisaya, pero sa mga nakakaintindi, natawa na lang. Paano, sabi ng isa, iba’t ibang klaseng tuwad na ang ginawa niya, hindi pa rin nagbubuntis. Nagreklamo naman ang isa na sumasakit na ang tuhod nila ng kanyang asawa, pero failure pa rin siyang magbuntis.

Humihingi sila ng tips kay Iya kung papaano magbuntis at may iba namang, nagbibigay ng tips. Ang isa naman, gustong hiramin ang matris ni Iya.

Ang saya basahin promise!

Baby boy nga ang ipinagbubuntis ni Iya at isinabay na niya ang gender reveal sa announcement na preggy siya. May bagong paraan gamit ang Non-invasive Prenatal Test o NICE na after 12-14 days, malalaman ang gender ng baby. Pati kung may problema sa pagbubuntis at ipinagbubuntis ng isang ina.

Samantala, this Friday, Jan. 7, 11:20 a.m., sa GMA 7 ang simula ng Season 3 ng Eat Well, Live Well. Stay Well  nina Iya at Chef Jose Sarasola. Every Friday mapapanood ang 10-minute cooking show na magpapakita at magtuturo sa mga mommy ng easy-to-prepare recipes na delicious, nutritious, at budget-friendly.

ZIA DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with