^

Pang Movies

Derek at Ellen, magkaiba ang gustong anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Derek at Ellen, magkaiba ang gustong anak

Matapos ang kanilang whirlwind relationship na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung Nov. 11, 2021 na ginanap sa Rancho Bernardo, isang luxury resort sa Bagac, Bataan, nagpaplano ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na magkaroon ng anak sa taong ito.

Ang bagong mag-asawa ay may tig-isang anak na parehong lalake sa kanilang respective ex-partners. Derek has an 18-year-old son sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na si Austin habang si Ellen ay may three-year-old son na si Elias Modesto sa actor na si John Lloyd Cruz.

Kung si Ellen ang masusunod, gusto niyang magkaroon sila ng kanyang husband na si Derek ng anak na babae dahil meron na silang two boys.

Hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin sa dalawa ang pagiging sobrang in love sa isa’t isa. Nakakatuwa rin ang closeness na ipinapakita ni Derek sa anak ni Ellen (kay John Lloyd) na si Elias na parang sariling anak ang kanyang turing.

Last month ay binuksan ang bagong business nina Derek at Ellen na isang ice plant business.

Bago naging mag-asawa sina Derek at Ellen ay may sarili na ring mga negosyo ang actor at kasama na rito ang isang boutique gym na matatagpuan sa Bonifacio Global City, isang food park in Tagaytay City at ang kanilang family business na Electronic Security System company kaya ang showbiz career ni Derek ay maituturing na on the side na lamang ng actor.

Edu, magiging lolo na?!

Kung ang ama ng TV host-actor at entrepreneur na si Luis Manzano na si Edu Manzano ay in love ngayon sa veteran actress na si Cherry Pie Picache, si Edu rin ang nagbahagi sa kanyang social media account na ang kanyang only daughter na si Addie (Amanda Danielle) sa kanyang ex-partner at dating model na si Rina Samson ay engaged na ngayon sa kanyang nobyong si Jared Glassman.

Natutuwa si Edu dahil nakilala niya nang personal si Jared and he finds him a nice guy. Nagkaroon ng pagkakataon si Edu na madalaw ang magkapatid na Addie at Enzo Manzano na parehong naka-base sa New York City last October kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Cherry Pie Picache.

Ang eldest son ni Edu na si Luis Manzano (sa kanyang ex-wife na si Vilma Santos-Recto) ay nag-asawa na nung isang taon sa aktres na si Jessy Mendiola kaya malamang na this year naman magpakasal sina Addie at Jared. Si Enzo na lamang ang single sa tatlong anak ng veteran actor-host.

Kapalaran ng relasyon nina Mel at Kris, noon pa nahulaan

Alam mo, Salve A., sa simula pa lamang ng relasyon nina Kris Aquino at ex-fiance niyang si Mel Sarmiento, dating politician and former DILG Secretary (sa panahon ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino), marami na ang nagsabi na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. True enough, hindi man lamang yata umabot ng tatlong buwan. At hindi rin ito umabot sa plano nilang pagpapakasal.

Kung pagbabasehan ang lovelife history ni Kris, wala siyang relasyon na tumatagal at hindi naiiba ang kanyang recent relationship with former DILG Secretary Mel.

At 50 turning 51 on Feb. 14, mukhang mahihirapan si Kris na makatagpo ng totoong lalaking magmamahal at mag-a-adjust sa lahat ng kagustuhan niya lalupa’t kilala siya sa pagiging domineering sa kanyang nakaka-partner.

Although health reasons ni Kris ang itinuturong dahilan ng maagang paghihiwalay nina Kris at Mel, tiyak na may mas malalim pang dahilan kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang bagung-bago pang relasyon.

For now, gusto munang mag-focus ni Kris sa kanyang kalusugan kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Nakatakdang mangibang-bansa si Kris para magpagamot. Ang kanyang kalusugan din ang naging dahilan ng actress-host nang siya’y mag-resign sa kanyang dating morning talk show sa ABS-CBN, ang Kris TV na nagwakas sa ere nung April 2016.

ELLEN ADARNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with