Pagiging masayahin kahit may problema, kinasanayan ng mga pinoy!
Happy new day in the new year sa inyong lahat. Unang araw ng 2022 at talagang masaya ang gising ko. Tama ang isang comment sa aking Instagram account na hindi lang naman ang mga close ko ang nagbabasa sa akin, kaya merong hindi talaga makuha ang mga kagagahan ko kung minsan.
Siyempre alam ko na ‘yung close friends kong kilala ako, pero ‘yung ibang nagbabasa dahil public naman ang IG, hindi makuha ang humor ko.
Puwede na biro para sa akin pero para sa iba may malisya iyon. Puwede ngang naintindihan ako ng tao na close sa akin, pero hindi matanggap ng ibang followers.
So now, magiging maingat na rin ako sa bitaw ng salita at sa mga sinusulat ko.
Kung minsan kasi, para akong wala sa sarili at kung anu-ano lang ang mga sinasabi ko. Kaya nga ayaw ko ng magradyo dahil feeling ko ako lang ang nakakarinig ng sinasabi ko, not knowing na buong Pilipinas na pala iyon.
So sorry, kahit na nga parang sa edad ko mababago pa ba ‘yung nakasanayan ko, I will try. Ewan ko ba, kasi naman noon at hanggang ngayon, iyon lang mga tao na malapit sa akin ang mahalaga, as long na sila naintindihan ako, keber ko ba sa outsider.
Pero siguro nga, dahil na rin sa pati outsider parang kilala ka na, ingat na lang nang konti. Basta wala akong masamang intensiyon.
Basta new year, enjoy natin ang bagong buhay na ibinigay na naman sa atin. Make it happy and safe.
Basta ang alam ko ‘pag may special occasions gaya nitong natapos na holiday season laging maraming pagkain, ang dami ng mga bagay na dumarating at parang ang gaan ng buhay? Para bang overflowing ang mga food, ang dami ng mga special na regalo.
Kaloka na para bang walang problema ang tao, love ko talaga ang attitude natin na basta may okasyon, masaya. Basta may okasyon, we try to be happy.
Good thing dahil bago ang taon, at maganda ang salubong natin sa kanya. Welcome 2022, be great to all of us.
- Latest