May New Year pakilig si Matteo Guidicelli bago magpalit ang taon last Friday. Nag-post siya ng mga sweet photo nila ng misis na si Sarah Geronimo with a sunset background.
Tila out of town ang New Year celebration ng mag-asawa kasama ang pamilya ni Matteo dahil nasa makikita rin sa background ang malawak na lawn.
“Grazie 2021!! Looking forward for an awesome 2022 for everyone!! LOVE,” ang caption ni Matteo.
Sa comment section ay may napansin ang netizens. Tila may maliit na baby bump daw si Sarah.
“Buntis si Sarah?” tanong ng isang netizen.
Sagot naman ng isa, “prang me mini bump.”
Umayon naman ang isa pa. “Napansin ko rin po. Sana nga.”
Ilan pang followers ang nagsi-agree at nagkomento rin na napansin nga rin daw nila. “It looks like it,” sabi pa ng isang follower.
May kumontra naman at sinabing busog lang daw si Sarah.
Well, medyo tumaba nga si Sarah sa photos pero baka naman din dahil sa suot niyang damit.
Anyway, noon pa ay super-abangers na ang buong showbiz at fans sa pagbubuntis ni Sarah. This 2022, wish nila ay magkaroon na talaga ng little Matteo and little Sarah.
Paolo, itinangging buntis si Yen
Itinanggi ni Paolo Contis na buntis ang ‘friend’ niyang si Yen Santos.
Matatandaang nag-viral ang larawan nina Paolo at Yen na magkasama sa Boracay. Sa naturang mga litrato ay makikitang parang buntis nga ang aktres dahil nakalobo nang kaunti ang kanyang suot na polo. Kaya naman hinulaan na ng mga Marites na preggy ito.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang tinanong niya si Paolo thru Viber messaging kung buntis nga si Yen at sey ng aktor ay hindi raw.
“As per Paolo, hindi buntis si Yen Santos. Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nun’g damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba. Kasi ang hangin that time,” ani Ogie.
Napag-usapan din nila Ogie at partner na si Mama Loi ang daming sightings kina Yen and Paolo na magkasama and super-sweet and yet ay idine-deny nga nila na sila na at sey nga ng aktor ay friends lang sila.
Tanong ni Mama Loi kay Ogie, “sa tingin mo ba, anytime soon, in 2022, aamin na ‘tong dalawa?”
Sagot naman ni Ogie, “hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila’t umepal-epal tayo dito. Hintayin natin, hindi naman tayo ‘yung may katawan, eh.”
Oo nga naman.