Talagang nagpadala ng pagkain sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa amin nina Cristy at Mr. Fu. Mga friends ni Mr. Fu ang dalawa kaya meron silang communication at laging nanonood ng Take It… Per Minute Me Ganun ang mag-asawa.
Kaloka nga ang naging aksidente ni Dingdong na nakagat ng bubuyog sa golf course pero nagawa pa rin nilang bumati sa mga kaibigan at magpadala ng food. How sweet naman.
Small things really mean a lot kaya appreciate talaga namin ‘yung effort nina Jessa at Dingdong. Thank you at ingat.
Hectic....
Parang ang hectic ng 2021 lalo na ang December.Katulad last Tuesday, tatlo yata ang sabay-sabay na chiakahan natin Salve.
Kasi nga, para bang lahat ng gagawin isisiksik mo na lang sa isang araw para isang labasan na lang.
Katuwa rin naman na nakikita natin ang friends natin nang face to face kahit sandali dahil nga para bang lahat busy rin.
Iba talaga ang happenings ngayon kaya naman parang hectic na hectic ang oras ng lahat. Hay naku, Happy New Year sa ating lahat at sana, better year ahead for 2022.