Real-life superheroes, bibida sa year-end special ng GMA
MANILA, Philippines — Sa pagsalubong sa Bagong Taon ngayong Sabado, Jan. 1, bibigyang-pugay ng GMA News and Public Affairs ang mga real-life hero sa year-end special nito na Year of the Superhero kasama ang Kapuso Power Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Balik-primetime nga ang DongYan na pareho nang bumida bilang mga iconic superhero sa kani-kanilang teleserye. Sa pagkakataong ito, ibabahagi naman nila ang mga kuwento ng mga makabagong bayani ng bansa ngayong taon. Sila ang itinuturing na modern-day heroes na nagpakita ng kabutihan at katatagan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang kapwa sa gitna ng hamon ng COVID-19 pandemic.
Nakipagtulungan ang DongYan sa international artist na si Leeroy New, award-winning children’s book author na si Augie Rivera, at acclaimed director na si Rico Gutierrez sa nasabing year-end special na ito.
Ibibida ni Marian ang makulay na 3D art installation ng kapwa Pinoy na si New habang ikinukuwento ang inspiring stories ng mga makabagong bayani ng Pilipinas.
Si Dingdong, naman, ibabahagi ang journey ng real-life superheroes sa isang comic book storytelling na mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
Kasama rin sa dapat abangan sa ‘Year of the Superhero’ ang nurse na isa sa mga sumagip sa 35 na sanggol mula sa nasusunog na gusali ng isang ospital at ang viral story ng isang pet owner na nag-rescue sa kanyang alagang aso mula sa paparating na tren.
Hindi mawawala sa listahan ng mga modern day hero ang 2021 Olympians gaya ng champion weightlifter na si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang nakasungkit ng Olympic gold medal para sa bansa.
Abangan ang kanilang kuwento sa Year of the Superhero ngayong Jan. 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.
- Latest