^

Pang Movies

Ate Vi, planong mag-produce ng pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Totoo iyon, noong araw wala kaming ginawang pelikula na hindi pinag-aralan at nakaplano para kung ano man ang resulta ng pelikula, at kung ano ang gagawin kasunod. Usually may pre-production meetings iyan. Present ako pero noon sina Mama at si Atty. Laxa ang laging nagtatanong at nagbibigay ng opinions nila,” paunang pahayag ni Cong. Vilma Santos.

Dagdag pa niya na duma­ting ang panahon na hindi na si Atty. Laxa ang producers niya pero kasama pa rin nila ito sa mga meeting dahil talagang sinusubaybayan daw nito ang takbo ng career ko. “Kahit noong bandang huli, si Wiliam Leary na, pero pinag-uusapan naming mabuti ang bawat project bago tanggapin. There was a time, si Mother Lily, at si Ate Mina ang nagpapalitan din ng ideas kasi noon salitan ang pelikula ko sa Regal at sa Viva. Ang resulta ng bawat pelikula magkakaroon ng epekto sa kasunod.

“Kaya kami noon talagang pinag-aaralan ang projects bago gawin. Hindi ba hanggang ngayon naman? Kasi box office oriented ako eh. Gusto ko kumikita ang pelikula ko. Kasi kung kikita ang pelikula ko, may iba pang producers na kukuha sa akin. Buhay ang industriya.

“ Lalo na ngayon, ang natitira na lang kum­panya talaga Regal, Viva, Star Cinema, iyong iba independent na at paminsan-minsan lang gumawa ng pelikula. Maraming kumpanya na active noon na nalugi na, tapos nawala pa sinehan, bukod pa sa piracy na pumapatay sa pelikula.

“Iyong sinehan, magkano ang kuryente niyan sa isang buwan? Magkano rin ang tubig dahil walang tigil ang mga restrooms niyan. Magkano ang payroll mo sa mga tauhan? At ang matindi, magkano ang puhunan mo sa equipment ng sinehan at ang rental ng space. Nasa mga mall iyan, pero iyong mall kinukuwenta rin kung magkano ang dapat ibayad ng sinehan sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit may mga dating sinehan na converted na ngayon sa shops, kasi hindi kumikita ang sinehan,” mahaba pang pahayag ni Ate Vi.

Sa sitwasyong ganyan, gagawa pa ba siya ng pelikula? “Oo para makatulong tayo. Puwede akong magdirek. Puwede rin akong mag-produce. Alam natin kung papaano ang dapat gawin eh di gawin natin,” sabi pa ni Ate Vi

Paghuhubad ni Joshua, mas napansin!

Naghubad lang ng kanyang shirt si Joshua Garcia at iyon na ang ginawang teaser. Aba bakit, sa palabas bang iyon ay walang ipinakitang mahusay na acting si Joshua? Wala ba siyang ginawang mahalaga roon kundi maghubad ng t-shirt?

Mukhang pagod na sila sa kanilang trabaho, o masyadong depressed sa kanilang kalagayan kaya hindi na nila napapansin nang husto ang potentials ng isang artista. Kung anu-ano na lang ang sinasabi nila. Kawawa naman ang mga artista. Nagsisikap silang gampanan nang mahusay ang kanilang role, tapos ang papansinin lamang ay ang kanilang paghuhubad.

Female personality, mas piniling rumaket sa mga negosyante kesa mag-vlog

Naku si Miss Sexy, na kung magsalita akala mo kung sinong matalino at kagalang-galang, aba iyan pala ang paboritong “artista” ng ilang mayayamang negosyante. Napakadali raw ma-contact at basta nagkasundo sa presyo, tiyak namang sisipot si Miss Sexy.

Iniiwan ni Miss Sexy ang kanyang pagba-vlog, eh bakit nga naman eh mas malaki ang kikitain niya sa mga negosyanteng hindi niya kailangang i-vlog, kaysa sa ibinabayad sa kanya ng mga ibina-vlog niya?

Kaya rin pala bihira ang performance ngayon ni Miss Sexy, ganoon din ang kanyang mga alagad.

 

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with