Kinilig ang mga nakabasa sa post ni Xian Lim para sa girlfriend niyang si Kim Chiu dahil sabi ni Xian, “This Christmas, all I want is to hold you tight in my arms and whisper in your ear... I love you @chinitaprincess.”
Medyo disappointed lang ang ibang KimXi fans sa sagot ni Kim na “Awww” at heart emojis. Sana raw, nag-“I love you” rin si Kim na madalang nitong gawin.
Kino-call nga ang attention nito ng kanilang fans dahil hindi man lang nag-a-“I love you” kay Xian kahit panay ang “I love you” ng aktor.
Ipinagtanggol na ni Xian si Kim, nag-a-“I love you” naman daw ito sa kanya, hindi lang sa socmed at hindi madalas.
Samantala, for January 2022 rin ang airing ng False Positive nina Xian at Glaiza de Castro na sa teaser, patatawanin ang viewers. Ang karakter kasi ni Xian ang magbubuntis at kung paanong nangyari ito? Panoorin at subaybayan natin!
Herbert, laging may bitbit na libro ‘pag dinadalaw si Ruffa!
Walang problema si Herbert Bautista kay Annabelle Rama na mom ng rumored GF niyang si Ruffa Gutierrez dahil boto ito sa kanya. Good influence raw si Herbert kay Ruffa at ito ang nagpayo kay Ruffa na tapusin nito ang college. Kaya nag-enroll si Ruffa online at next year, makakatapos na.
“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng homeworks, tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review. Alam ko, kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa. Sino ba ang hindi matutuwa,” na-quote si Annabelle ng pahayag patungkol kay Herbert.
Hindi lang boto kay Ruffa si Annabelle, suportado pa ng kanilang pamilya ang pagtakbo nitong senador at kapag nanalo si Herbert, kabilang sina Annabelle sa matutuwa.
Naaliw lang kami sa TikTok ni Ruffa kung saan, kasama nila ni Herbert ang brother niyang si Ramon Christopher. Magkasama dati sina Herbert at Monching sa Bagets 2 movie at kung walang kokontra, baka maging magbayaw sila in the future.
Kramer party, may sandok pera
Napanood namin ang video sa Christmas Party ng mga Kramer to check kung totoo ang tsikang nagpaagaw ng pera si Dough Kramer sa kanilang mga kasambahay.
Ang sabi pa, nilukot muna ni Dough ang pera na tig-wa-one thousand pesos bago ihagis sa kanilang kasambahay.
Ang nasa video, hindi nilukot ni Dough ang pera bago ihagis at hindi siya tig-wa-one thousand, fifty and twenty peso bill ang nakita namin o baka nagkamali lang kami. Saka, nagpa-game rin sina Dough sa kasambahay nila na nauuso ngayon na sinasandok ang pera. Mas maganda nga ang ginawa ni Dough, walang sandok, kung ano ang mahawakan mong pera, sa’yo na at may nakita kaming P1000 bill.
Ang napansin namin at makikita sa video, ang daming kasambahay nina Dough at Cheska Kramer at kasama na rito ang drivers at gardeners. Malaki kasi ang bahay ng mga Kramer at may malaking veggie garden, kaya kailangan ng gardener.