^

Pang Movies

Gretchen at Tony Boy, P65M ang kada unit ng bahay sa Tagaytay?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gretchen at Tony Boy, P65M ang kada unit ng bahay sa Tagaytay?!

Ang daming nag-like sa video sa house nina Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto na sabi, sa sa Tagaytay Highlands matatagpuan. That time na kinukunan ang video, ipinare-renovate ni Gretchen ang bahay in time raw sa 70th birthday ni Tony Boy.

May kuha sa video na before and after the renovation at hahanga ka talaga sa ganda ng bahay na mas pinaganda pa dahil sa location. Ang mas nakalulula, ay ang nabasa naming each unit ng bahay ay worth P65M ang halaga. Wow!

Nangako si Gretchen na magpapa-house tour siya kapag tapos na ang renovation ng house nila ni Tony Boy na sa napanood sa video sa ilang parts ng bahay, hahanga ang invited o naimbitahan sa birthday ni Tony Boy. Hindi kasi nabanggit ng Google kung anong month ipinanganak si Tony Boy. 

Ruru, mas sweet kay Mikee kesa kay Bianca

Hindi pa sinasagot ni Ruru Madrid ang tanong ng isang fan nila ni Bianca Umali kung bakit mas sweet ang birthday message niya sa best friend niyang si Mikee Quintos kesa birthday message niya kay Bianca?

May nagtanong pa kung bakit mas tumagal ang friendship nila ni Mikee na nagsimula noong 2015 kesa relasyon nila ni Bianca? Ito ay kung totoong break na nga sina Ruru at Bianca gaya ng nababalita.

Totoo namang sweet ang birthday message ni Ruru kay Mikee na kung ‘di lang siguro sila gumanap na mag-ama sa Encantadia,  may magsi-ship sa kanila. Kaya lang, friendship lang ang namamagitan sa dalawa at kasama nila sa “friendship” na ito si Mikoy Morales na naging close kay Mikee nang gawin nila ang Sirkus.

Dingdong at Marian, nakauwi na

Nakauwi na sa bahay nila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at sa photos na kuha ni Dingdong, makikitang mahigpit na niyakap ni Marian ang mga anak na sina Zia at Sixto. Kasamang pinost ni Dingdong ang note ni Zia na “Welcome home Dada” at ang “Welcome home Kuya” ng sister ni Dingdong na si Vicki Dantes.

So, bukod sa grandparents nina Zia at Sixto, kasama rin sa nag-alaga kina Zia at Sixto habang wala sina Dingdong at Marian ay ang sister ni Dingdong na si Vicki.

Samantala, inaabangan na ang airing ng documentary na idinirehe ni Dingdong tungkol kay 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Gomez. Si Marian ang nag-interview kay Beatrice after the Miss Universe pageant, kaya collab ito ng mag-asawa.

Bahay nila Andi, tuklap ang bubong sa bagyo

Pinost ni Philmar Alipayo ang larawan ng nasirang bahay nila sa Siargao dahil sa bagyong Odette. Sabi nito kay Andi Eigenmann, kailangan nilang papalitan ang bubong ng bahay nila dahil nasira.

Sinagot ni Andi si Philmar at ang sabi, mahaba at nakakaiyak ang sagot nito sa parte na sinabi niyang “Our home there isn’t just our house. Our home is the island itself. Slowly we will rebuild. Slowly we will get back up again.”

Wala sa Siargao si Andi nang bumagyo, nasa Manila siya at dumalo sa kasal ng best friend niya. Wala rin si Philmar, nasa Borongan, Samar para sa surfing competition. Pero, mabuti at hindi tuluyang nasira ang bahay nila.

GRETCHEN BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with