Kahit anong pilit ko sa sarili na maging masaya tuwing nakikita ko ang gifts sa mga kaibigang hindi nakakalimot, pumapasok pa rin sa isip ko ang mga nawalan ng bahay sa bagyong Odette sa Visayas.
Imagine mo na sa lamig ng panahon ngayong Kapaskuhan, wala silang bahay at siguro kulang sa pagkain. Parang napakalaking test sa endurance at faith ang naganap na ito.
Paano ka magiging masaya kung alam mo na marami ang nandiyan lang sa Visayas ang naghihirap ngayon sa lamig at gutom?
Mabuti na lang at siguro dahil malapit ang eleksyon, medyo mas marami ngayon ang tutulong.
At siguro dahil Christmas, mas generous ngayon ang tao. Siguro naman dahil kapwa natin Pilipino ito, mas tutulungan natin. Siguro naman isasali natin sila sa anumang regalo natin ngayong Pasko. I honor their sadness, ‘yung mga magulang ngayon na hindi alam ano ang gagawin sa napaka-sad na sitwasyon nila. Bagyo, COVID, walang bahay at pagkain, dasal na lang talaga ang puwede mong sandalan.
Help us, Mama Mary, we need your embrace, help us. Amen.
Rhea, bongga ang welcome kay Jelai
Wala na sigurong tatalo pa sa Christmas party ni Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Bongga ‘yung party/presscon niya for Jelai Andres na endorser ng Reiko at Kenzen multi-vitamins niya.
Talagang todo buhos ang prizes na non-stop talaga. Bongga lahat kaya alam mo na love niya ang alaga ni Rams David na si Jelai na napakasikat na influencer. Maganda raw ang outcome sa market ng Kenzen at Reiko kaya tuwang-tuwa si Rhea Tan.