^

Pang Movies

Nadine, tinawag na tanga ang follower na nagdududa sa panghihingi ng ayuda sa Siargao

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nadine, tinawag na tanga ang follower na nagdududa sa panghihingi ng ayuda sa Siargao

May donation drive ang Naddicts Official fan club ni Nadine Lustre and by now, more than P50,000 na ang nalikom nilang donation na galing din sa fans ni Nadine at mapupunta g aktres.

Kaya, sinagot ni Nadine ang netizen na nagkamali ng comment sa tweet niyang “I’ve been frantic all day. my cortisol level hasn’t been this high in ages. I can’t even think straight. Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette.”

May nag-comment kasi ng “kunwari Typhoon Odette lang. Nag-alala lang yan kay Christophe. Bilis maka siargao” na sinagot ni Nadine ng “of course I’m worried + para kang tanga.” Ayun, natawag tuloy na “tanga” si Ate na hindi inaayos ang comment.

Mahal ni Nadine ang Siargao at ng mga tao rito lalo na si Christophe (Bariou) dahil dito siya nakaram­dam ng peace at ang tao, normal ang trato sa kanya, pero noong una, na-starstruck sa kanya. Ngayon, naiimbita na siya sa mga birthday ng locals, panatag na siya at natural na mag-worry.

Ibig sabihin, wala si Nadine sa Siargao nang dumating si Odette? Pero bakit may tweet siyang “That trip to the airport wasn’t fun either. It was freakin’ war zone.”

David, wish granted kay Barbie

Masuwerte si David Licauco dahil nabibigyan na ng lead role ng GMA 7 at doble suwerte siya na nakapareha na si Julie Anne San Jose at sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, si Barbie Forteza naman ang kapareha.

Actually, nakapareha na rin ni David si Barbie sa Heartful Café nila ni Julie bilang si Barbie ang ex ng karakter ni David. Ilang eksena lang ‘yun, kaya na-wish ni David na makapareha uli si Barbie at mas maraming eksena na silang magkasama.

Wish granted ‘yan sa Mano Po dahil si Barbie mismo ang nagsabi na si David ang love interest niya at dahil nagkasama na, hindi na mahihirapang lumabas ang chemistry na hinahanap ng viewers.

Inamin ni David na na-pressure siya sa mga kasama sa Mano Po at ginagawa niyang inspiration ‘yun to do his best lalo na at mahirap daw ang role niya bilang si Anton Chan. Mala­king tulong na mahusay na director si Ian Loreños at pulido ang script ni director Joey Reyes.

Xian, hindi nag-explain sa lambingan nila ni Glaiza

Tinatanong ng fans ni Xian Lim kung bakit Mohawk ang hairstyle ng aktor sa False Positive, ang mini-series ng GMA 7 na pinagtatambalan nina Xian at Glaiza de Castro. May paliwanag naman siguro rito at kung hindi kayo makapaghintay na mapanoood ito, tanungin n’yo si director Irene Villamor.

May asawa na naman ang role ni Xian sa False Positive, gaya ng role niya sa Love. Die. Repeat nila ni Jennylyn Mercado. Pero, si Glaiza de Castro ang gaganap niyang misi at bubusugin daw ang viewers sa kilig moments ng dalawa.

Kung hindi pinagselosan ng fiance ni Glaiza na si David Rainey ang sweet moments nila ni Xian, hindi rin nagselos ang GF ni Xian na si Kim Chiu.

“In my case, I think, sa amin ni Kim, it’s more of pareho naman kaming nasa industry so parang no explanation needed. We already understand ‘yung mga requirements ng work namin. We’re very supportive sa mga individual projects namin,” pahayag ni Xian.

Kasama rin sa cast ng False Positive si Rochelle Pangilinan, Dominic Rocco, Luis Hontiveros at Ms. Nova Villa.

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with