Gusto kong mag-cry sa interview ni Miss Universe Philippines Beatrice Gomez kay Karen Davila kahapon ng umaga sa ANC.. Inulit niyang bisexual siya, nagkaroon din ng BF pero mas gusto niya ang kapwa babae niya since bata pa siya.
Touching ‘yung nagsabi siya sa mommy niya at ang payo nito sa kanya is to do what will make her happy, na tanggap nito kung anuman ang preference niya at suportado ang anumang gusto niyang gawin. ‘Yung suporta ng mother niya ang talagang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.
Ang sarap ng wala kang itinatago sa buhay, na open ka sa kung sino ka, at basta tanggap ka ng mga mahal mo sa buhay, iyon ang importante.
Kaya pala puno ng confidence si Bea, at hindi takot humarap sa tao. Talagang hindi niya itinago na isa siyang bisexual, na meron siyang karelasyon na kapwa niya babae.
Bongga siya, sure akong busog ang mga mata niya sa mga kapwa niya kandidata ha, inggit ang mga tomboyita sa kanya hah hah joke joke.
Local designers, agaw-eksena sa abroad
Pasok na talaga sa foreign market ang mga Filipino designers natin. Lagi mo nang naririnig ang pangalang Michael Cinco at Francis Libiran sa mga sosyalan, beauty contest, awards night at hindi lang dito kundi sa abroad.
Hindi nga ba sa Miss Universe, ‘yung gumawa ng best costume na suot ng Miss Nigeria, Pilipino pala. At ‘yung gown sa final walk ng outgoing Miss Universe si Michael Cinco pala ang gumawa.
Bongga ha. It’s about time dahil world class naman talaga ang Filipino designers natin. Plus pulido talaga at malinis ang craftsmanship. Ilalaban mo talaga at ipagmamalaki. ‘Yung beading ng mga gown natin locally laging hinahangaan abroad kaya naman laging nagnanakaw-eksena pagsuot sa isang okasyon.
Now na talaga ang time para sila mag-shine.